Specialty....
Dahil Saturday ngayon ay tutulong kami nila kuya sa shop ni mama, naka-high ponytail ako at sinuot ang salamin ko dahil bawal ang contact lens pag nagluluto, i was a cookery student ruled by an amazing teacher kaya naman madami akong natutunan tungkol sa pagluluto, basics and even some hard tactics. Memang gawa lang pero pang-international. Pang restaurant.
Habang nagtitingin sa facebook ng messages ng mga karengkeng kong kaibigan, namimili din ako ng ipapangreregalo ko kay kuya elliot dahil sa monday na ang birthday niya. Nung nakapili na ako ng regalo niya ay tsaka lang ako nagpasyang magbihis, i wear my slip on white shoes, tie-front blouse and textured pleat-front pants na parehas Dusty pink ang kulay. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba at nakitang nanonood si kuya austin ng Dexter's laboratory.
"kuya let's go, i'm done na" bumaling ang tingin niya saakin saglit at pagkuwan ay binalik din ang tingin sa tv. Kung siya ay Dexter's Laboratory ang fave na cartoon, si kuya alex naman ay Popeye ang favorite, pero pag kasama nila ako, powerpuff girls ang pinapanuod namin.
"wait, i'll just finish watching this one" hinayaan ko muna siyang manood doon at pumunta ako sa kusina ng may nakita akong cheese stick na naluto na kaya agad akong kumuha ng lima at ketchup sa counter top namin at kumain muna doon habang hinihintay si kuya austin.
Pagkatapos kong kumain ay umalis agad kami ni kuya austin sakay sakay ng innova niya papunta sa shop ni mama na limang street ang layo mula sa bahay, pagkadating ko doon ay puno agad ang shop na kaya lang mag-accomodate ng 85 na tao kaya naman dali dali akong pumunta sa kusina at nagsuot ng apron and hairnet, naghanda agad ako ng mga kakailanganin para sa bestseller naming S'mores ice cream pie. Habang busy ako sa pag gawa ng bestseller namin, nagluluto naman si papa ng croissant sa gilid, pagkatapos kong mailagay sa freezer yung s'mores ice cream pie ay kinuha ko naman ang ibang order, 5 orders of Oreo Truffle, 3 orders of Saltine Toffee Cookies and an order of tripple berry crisp.
Agad kong hinanda lahat ng orders at ini-abot sa maliit na butas sa tapat ko kung saan aabutin naman ni kuya alex para ibigay sa mga nag-order, si papa naman ay nagluluto sa ibang mga putahe, habang ako ay nakatoka sa dessert. Si kuya austin ay nakapwesto sa cashier at si mama naman nagbibigay din ng order. Habang busy ako sa pagluluto ng cheddar quiche ay nakita kong mabilisang tinapos ni papa yung order sakanya at agad ding nagbihis,
"anak ikaw na muna mag-lagay niyan sa oven" hindi pa ako nakakasagot ay agad siyang lumabas sa kusina at iniwan ang italian pork tenderloin na kulang pa ng cheese kaya naman tinapos ko na yun at inilagay sa oven para mas lumabas yung juicyness ng karne at mag-melt ang cheese na nakalagay doon, isinabay ko na din yung niluluto ko at naghintay ng mga panibagong orders.
Nagulat ako ng pumasok si mama sa kusina at naka-ayos din,
"saan kayo pupunta ma?"
"dyaan lang, may kakausapin lang, dyaan ka muna ah, lumabas ka na din para magbigay ng orders, si kuya alex mo ay pinabalik ko sa bahay dahil may mahalaga akong pinapakuha, kaya na muna ni austin ang bahala" napatango nalang ako at agad siyang lumabas ng kusina.
"bunso eto pa, madami dami din yan"
pagkatingin ko ay hinanda ko agad ang mga order nila, nasa mahigit trenta ang mga kailangan kong i-plating at ihandang pagkain, siguro merong family reunion or barkada food trip kaya andami nito. There are 7 puff pasty waffles, 4 sesame seared tuna, 6 coffee ice cream fudge cake na sa huli pa ipinapaserve, 3 chicken fried steak, 5 chicken parmesan, 1 grilled baked potatoes, and 4 shrimp lemon pepper linguini. after 15 minutes ay tsaka lang ako natapos sa pagpreprepare.
"bunso ready to serve na ba yan lahat"
"yes kuya, iseserve ko na po" tinanggal ko ang hairnet ko at ang apron ko bago lumabas hawak hawak ang dalawang tray na mayroong lamang 4 na waffles sa kabila at tatlo naman sa kabila,
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...