the moon....
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong na-upo sa kama at huminga ng malalim, maya-maya lang ay binigay saakin ni roigie ang gamot ko at yung tubig na may halong lemon at apple slices. Pagka-inom ko ng gamot ay inihiga ko ang upper body ko sa kama habang ang mga paa ay nakatapak parin sa sahig.
"you know it's not good to lie down on the bed after you eat"
"i know, but i badly need this now"
"so he's azrael, if i'm right"
"you are........ i don't know why--"
"maybe it's about your an--"
"yes, that's totally the reason and nothing else."
uupo na sana siya sa tabi ko when mama sneaked in my room and told us to go down already because they want to bond with me longer kaya tumango kami sakanya at lumabas din siya ng room.
"let's go?"
"mauna ka na, may hahanapin lang ako" pagkalabas niya ng kwarto ay sinarado niya na ang pinto habang ako naman ay nakahiga parin at walang planong bumangon.
Hindi ko namalayan na naka-idlip pala ako kung hindi lang tumunog ang cellphone ko and to my horror, it's already 7:30 pm! Dali-dali akong nagpunta ng banyo at naligo, sinuot ko ang isang cactus print t-shirt atsaka classic cotton shorts pagkatapos ay hinanap ko yung box na pinaglagyan ko ng mga chocolates na para saakin lang at nung hindi ko mahanap ay tsaka lang ako nagpasyang bumaba at dumiretso sa garden kung nasaan naroroon parin silang lahat at nagkakasiyahan na.
"aureliaaa!"
my eyes widened when i heard the voice, nung nakita ko siyang tumatakbo palapit saakin ay di na ako nag-atubili at dali dali rin akong tumakbo papalapit sakanya at kaagad siyang niyakap, ilang saglit din kaming nagyakapan bago ako kumalas at tsaka siya binatukan ng medyo, medyo lang naman, medyo malakas.
"aray ko naman, ganyan ka ba mag welcome ng kaibigan?"
"sino bang nagsabing kaibigan kita? Diba nga iniwan mo kami ng walang pasabi? may matinong kaibigan ba ang gagawa nun?"
narinig ko naman ang mahinang pagbungisngis ng mga taong naroroon dahil sa sinabi ko, she's now smiling apologetically at me and i won't deny that i miss her, so bad.
"sorry, i am really sorry for that. Natakot kasi ako sa lahat that time. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, i was pregnant and damon wasn't sure about me that time, he's afraid of commitment. Paano na ako? paano na yung baby namin? those questions are hard to answer, lumapit ako sa parents ko, muntik na nila akong palayasin pero hindi rin naman nila ako natiis, they took care of me sa probinsya ni papa, doon ako namuhay with regrets. Lots of it"
I hugged her again, oo nagtampo ako sakanya pero alam ko yung feeling na wala kang matakbuhan, yung feeling na takot ka sa lahat, yung feeling na kahit alam mo sa huli magsisisi ka, wala ka paring magagawa.
"it's ok, tapos na lahat iyun, though madami ka pang ichichika saakin"
"ikaw din may ichichika saakin" sabay bulong saaking ng "sino yung roigie? infairness ah ang gwapo, galing mo talagang pumili fren"
napa-iling ako dahil sakanya, hindi pa rin talaga sya nagbabago. Paupo na kami when two kids entered the garden at kaagad kong nakilala doon ang isa habang yung isa naman ay napaka-pamilyar ang mukha saakin. Si cattleya ay agad akong niyakap at pinugpog ng halik sa buong mukha. She's a cute little dumpling. She's turning 4 already and everytime my family would go to London, she's always present too.
"sorella, meet xian, he's my friend but he's a bit younger than me" (sorella-sister)
cattleya held xian's hand and lend it to me, atsaka ko lang napansin, sobrang kamukhan niya si Damon. He's a carbon copy of his dad! Tinignan ko si eba at napangiti ako bago ko tignan muli ang bata and shake hands with him. Gwapo 'to panigurado. Tsk tsk tsk, sana naman huwag niyang gayahin ang papa niya.
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...