The call....
Sunday morning ay tapos na kami nila mama magsimba at napagpasyahan naming kumain ng breakfast sa tapsilogan sa likod lang ng simbahan, nag-order kaming lahat ng tapsilog at dalawang sizzling sisig na kasya para saaming sampu. Katabi ko si mama at tita, samantalang magkakatabi naman yung mga lalaki. Napag-uusapan namin yung nangyari kahapon sa shop at sinabing sa next week na namin ifafile yung case. Ang sinabi kasi nung mga lumaban saamin ay merong nawawalang isang bilyong piso sa kompanya at naghihirap ang kompanya dahil giagamit lang namin sa pansarili. At dahil may ebidensya sila na may nawawalang malaking pera ay agad kaming natalo.
"kami nalang ni kuya elias ang sasama doon sa korte sa unang linggo ng trial"
"o sige, sa susunod naman ay kami ni catlyn, salit-salitan nalang tayo sa pagpunta doon"
nagsitanguan naman sila bilang pagsang-ayon, maya maya lang ay sumabat din sila kuya ellis, sina kuya austin para sabihing sila din ay pupunta doon sa korte para hindi masyadong mapagod ang mga magulang namin.
"sama din ako, gusto kong makita yung mga sinungaling na umaaway saatin"
"nak, wag ka ng sumama doon. Pabayaan mong kami nalang ang umayos nito, mag-aral ka nalang ng mabuti" napasimangot nalang ako bago ituloy ang pagkain ko. Pagkataops naming kumain ay umuwi na agad ako, dahil lahat sila ay didiretso sa shop ni mama.
Nagbubuting ting ako ng mga gamit ng biglang may kumatok sa bahay kaya naman dali dali akong bumaba dahil walang magbubukas ng pinto kundi ako lang, pagkabukas ko ay halos maugat ako sa kinatatayuan ko ng nakita ko ang babaeng mayroong pinakamasamang budhi sa balat ng lupa. Ang anak ng mga traydor sa kompanya namin. Cherry Brooks.
"what are you doing here on our property?"
"oh, it's been a long time dear, gusto ko lang bisitahin ka. Alam ko namang nag-aadjust ka parin sa nangyari sainyo"
"may hawak akong screw-driver dito, baka gusto mong i-adjust ko yung mukha at pag-iisip mo?" napatingin naman siya sa hawak hawak kong screw driver at napaatras ng ilang hakbang habang bakas sa mukha nito ang takot at nung iangat ko ang hawak kong screw driver ay napatakbo siya papunta sa kotse niya at agad na umandar yun paalis sa tapat ng bahay namin.
Next time, they should choose kung sino ang kakalabanin nila lalo't ako lang mag-isa dito ngayon at walang makakapigil sa pagmamaldita ko. Agad kong ni-lock yung pintuan at nangalikot ulit ng mga gamit habang inaalala parin ang nangyari kanina. Ang kapal ng mukha niyang pumunta dito. Naligo ako at nagbihis ng simpleng dress bago pumunta sa ayala para bumili ng mga kakailanganin ko sa project namin. Una kong pinuntahan ay ang mercury at bumili ng first aid kit, atsaka ako pumunta sa salon para magpaiksi ng buhok.
Habang nasa parlor ako ay tingin ng tingin saakin yung ibang mga staff at yung iba ding nagpapagupit kaya naman ay nag-focus nalang ako sa salamin kung saan nakikita ang sarili ko. Malagatas at makinis na kutis, bagsak at black na black na buhok, kulay berdeng mata, makorteng kilay, ang pisngi kong nagkakakulay lang pag nagtatagal sa ilalim ng araw, ang matangos kong ilong, ang labi kong mala-rosas ang kulay.
"hanggang saan po ma'am ang gupit niyo?"
itinuro ko naman kung hanggang saan at tinanong pa ako kung sigurado na ako, i love my hair but i love changes more, nagpakeratin hair treatment din ako for having shiny and sleek hair all the time, after nun ay nagpunta ako sa mga make-up stores at bumili ng bagong cosmetics. Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya napapayuko ako, ayoko naman masyado ng atensyon lalo na pag sa mga lalaki? parang bigla kang kikidnappin e, tapos puno pa ng pagnanasa yung mata. hayss. hashtag hassle kamo.
Pagkauwi ko sa bahay ay nandoon na sina tita catlyn at tito elias na mukhang nagulat sa itsura ko, buti nalang meron akong ipon at iyun ang ginagamit ko sa mga pansaraling kailangan even though they are willing to give me money, ayoko namang umasa sa kanilang lahat.
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...