Barko at dagat....
"hello aurelia? What happened? Are you ok there? Nasaan ka?"
"uhm, hi azrael. I'm fine, sorry at nakaistorbo ako sa tulog mo. Sige ibababa ko na to"
Hindi ko na siya hinintay sumagot at basta nalang pinatay ang tawag, my heart is still racing and when i heard his bed voice i almost lost it, buti nalang at hindi ako napahagikgik dahil sa kalandian ko. Dati rati kasi hinihiling ko na magkaroon ako ng boyfriend at tuwing tatawag ako sakanya ay gusto kong marinig ang bagong gising niyang boses or kahit husky voice. Nabigla ako nung naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko, only to see azrael's number on the screen.
"azrael, sorry kung naistorbo kita, hindi ka na ba makatulog? " i am chewing my lip dahil sa anticipation ng sagot niya.
"nope, I'm actually happy na ako yung tinawagan mo. So tell me my star, what's the reason behind your call? " hindi ko man kita ay ramdam ko ang pagngisi niya sa kabilang linya. I am bothered dahil baka nakaistorbo ako sa tulog niya but i am happy on the other hand dahil narinig ko nanaman ang boses nya.
"tinakot kasi ako ni kuya eli, you know... The ghost hour"
"That's why. Don't be scared, you can always call me whenever you need me. I will always answer it"
"thank you azrael, atleast i am calm now"
"you're not yet sleepy? "
"inaantok na, tulog ka--"
"no, i will sing you a song"
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya, nagiliw na siya sa pagkanta ah? Pero imbes na lyrics ng kanta ang marinig ko, tono ng kanta ang narinig ko, napaos ata.
Kinabukasan ay nagising ako ng 8:00 ng umaga, naligo agad ako at nagbihis ng all white namin na uniform at sapatos din. Sinuklay ko ang buhok ko at nilagyan ng clip sa gilid para hindi kumalat sa mukha ko yung buhok ko, nag foundation din agad ako at naglagay ng kunting lipstick dahil meroon kaming practicum mamaya and i need to look like a person, para na kasi akong bangkay dahil sa pagkaputla ko dahil sa sobrang tulog, naglagay din ako ng winged eyeliner na bumagay naman saakin. Kinuha ko ang bag ko at yung mga pinamili ko sa mercury kahapon bago pumunta sa kusina kung nasaan naroon silang lahat na nagaalmusal.
"nak kain na, meron ditong tinapay tsaka nakahanda na ang baon mo"
Naupo ako sa tabi ni kuya alex at kuya austin at kumain ng tinapay, parang hilig ko na din ang tinapay ngayon, bakit kaya? Alam niyo ba ang dahilan? Pinalamanan ko agad ang tinapay ng nutella atsaka ako kumain, naka limang tinapay ako bago kami umalis ni papa at ni mama dahil sila ang maghahatid saakin sa school.
Pagkapasok ko sa university ay agad akong pinagtitinginan ng mga tao, binaybay ko ang magulong hall papunta sa locker at kinuha ang planner ko bago dumiretso sa garden sa likod kung nasaan naroroon daw ang mga kaibigan ko, nung nakita ko sila ay sakto namang napatayo si jen at kara at gulat na gulat habang tinitignan ang ayos ni eba na nabuhusan ng kulay berdeng slime kaya tumingin ako sa taas at nakitang naroroon ang mga may sala. Those b*tches, humanda sila once na nakita ko sila ngayong kilala ko na sila. Pumunta agad ako kay eba at nagulat naman sila nung nakita ako, it must be my new look, ngayon lang naman kasi ako naglagay ng foundation na medyo ma-krema ang kulay para hindi masyadong halata, pero bumalik ulit ang atensyon namin kay eba na tulala parin sa ngayon, not because of the slime but still because of me. Nakanganga siya habang nakatingin saakin atsaka lumukob ang ngiti sa mukha. Kailan ka naman nakakita ng babaeng nabuhusan ng slime na masaya pa dahil nakita nyang nagmake-up ang kaibigan niya?
"huy eba, are you okay? Do you have extra uniform? "
Tanong sakanya ni kara habang pinupunasan ang buhok nito."wala e, hindi ko naman naisipang magkakaganto ako ngayon"
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...