/15/

1.9K 31 1
                                    

Dress....

Ngumiti ako nung narinig ko ang kanta sa coffee shop na tinatambayan ko. The classes were suspended kaya naman napag-usapan ng klase na magkita kita sa coffee shop malapit sa school para ipasa namin ang project namin sa bubutihing president namin na si kloe. I'm wearing my burgundy bell sleeve bow tie blouse and Flared scuba skirt na ipinares ko pointed toe low chunky heels.

"Aurelia, wala pa ba si eba at kara? ang tagal talaga ng mga yun" umupo sa tabi ko si jen na mukhang may lakad ngayong araw, hindi naman siya mahilig mag-lugay pero ngayon ay nakaladlad ang buhok niya at meron pang cute na pin sa isang gilid na dahilan kung bakit siya nagmukhang inosente.

She's wearing a white striped jumpsuit and auria wedge sandals that made her taller. Umorder siya ng frappe na katulad ng akin at kinalikot ang phone niya. I was having my meditation here pero nagulat nalang ako ng tumili si jen, i mean hindi lang pala ako ang nagulat, pati yung ibang customers ay napatingin sa gawi namin kaya napailing nalang ako sakanya. Hanggang kailan niya ako ipapahiya? Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si eba kasama si kara at parehas silang nakapang lakad na bihis.

"saan kayo pupunta aber?" ngumisi lang saakin yung dalawa bago mag-order ng frappe na katulad ng amin ni jen, nagkwentuhan kami saglit hanggang sa dumating si kloe kasama ang boyfriend niyang si heist.

"our classmates really love following the Filipino's time, ang sabi ko dapat alas siyete ay nandito na pero mageeight na ay lima parin tayo rito" stressed na sabi ni kloe at agad naman siyang tinawanan ng boyfriend niyang may maipagmamalaki din naman pagdating sa itsura.

Kloe said they are childhood sweethearts, simula pagkabata ay alam niya na kung sino ang gusto nilang parehas, not because of being together most of the times but being there through the toughest and luckiest times of their lives. Never nagloko si heist, kahit nga lasing ito ay siya parin ang hinahanap, maghubad man sa harap ng lalaki ang libo libong babae isa lang babaeng gusto niyang hubaran pagkatapos ng kasal nila at yun ay walang iba kundi si kloe. They're both lucky to have each other.

"kloe why won't you order first para magcool down ka muna, alam mo na baka eight ay tsaka lang magsidating yung mga yun"

"oo nga sige punta muna kami ni heist doon ah" tumango kami at agad na bumalik ang mga kaibigan ko sa pagkalikot sa mga phone nila and when i was about to get my phone sakto namang may tumawag doon.

"good morning star, nagising ba kita? " may bahid ng pag aalala ang boses nito pero hindi iyun ang nagpainit sa mukha ko, kundi yung boses niya na halata mong kagigising lang. 

"good morning, kanina pa ako gising, so no worries"  napatingin agad saakin yung mga kaibigan ko at may halong pang-aasar ang ngiti nila. 

"where are you?" narinig ko ang pagkaluskos ng kung ano sa kabilang linya at kung di ako nagkakamali ay isa yong kumot. 

"nasa coffee shop malapit sa school, we're having a meeting" kinukutkot ko na ang dulong tela ng suot suot kong palda dahil sa pagkakilig ko. 

"oh, diba maulan sa labas? may dala ka bang payong? baka magkalagnat ka nanaman niyan..... what if sunduin nalang kita dyan after the meeting?" napailing na lang ako dahil sa kakulitan niya, ayaw niya nalang kasingh diretsuhin na gusto niya akong sunduin. hayst.

"wag na may payong naman akong dala and susunduin ako ni kuya austin, and diba magbobond din kayo ng family niyo?"

"how did you know?"

"well, damon told eba and eba told me, family comes first right?"

"uhm sometimes?" hayst.

"it should be always azrael, family first before everything else" dumating na si heist and kloe dala dala ang frappe and cheesecake na order nila samantalang ako naman ay umiinom sa inorder kong frappe.

My WomanizerWhere stories live. Discover now