Welcome back!
After three years, sa wakas, nalanghap ko na ulit ang polusyon sa Pilipinas. Napatingin ako sa kasama kong umuwi dito, none other than Roigie Guiwan. He insisted on coming with me here, but ofcourse we have our reasons. Dito namin piniling mag-intern and yes nakapasa kami doon sa exam and guess what? Madaming doktor ang bumilib sa kung ano ang kaya naming gawin ni roigie, at dahil doon nag-offer sila na mag train kami sa gusto naming bansa kaya naman walang pag-aalinlangan kong pinili ang Pilipinas.
"so from here, saan na tayo ngayon? May susundo ba saatin? "
"sa hotel muna tayo magpapalipas ng gabi, bukas na tayo pumunta sa bahay namin para saktong birthday ni mama, and walang susundo saatin kasi walang nakakaalam na uuwi ako ngayon sa Pinas except from bebe AA of course"
Tumango siya at agad kaming pumara ng taxi papunta sa Richmonde Hotel para doon magpalipas ng gabi at kinabukasan ay pupunta na kami ng Quezon City para doon simulan ang pagiging resident doctor.
"So hindi ka makakapunta ng Cagayan De Oro ngayon, kailan ka pa makakuwi doon? "
I shrugged and just smile at him. Hindi ko din alam kung kailan ako makakauwi saamin, sa QC kasi kami inassign na hospital and that's a great hospital naman kaya hindi na din ako umangal, gusto kong umuwi ng Pinas para medyo mapalapit sa CDO, saamin.
Anong oras na nang makarating kami sa hotel kaya kaagad kaming nagpahinga at mahimbing na akong nakatulog di kalaunan.
"hey amaris wake up, we should head now to the hospital to get everything ready"
Hinila ko ang comforter at tinaklob yun sa mukha ko pero naramdaman ko nalang bigla na medyo lumubog ang kama at hindi na ako magtataka kung nakahiga na rin sa kama ko si roigie.
"you're always like this. Gising na at lalamig na ang pagkain"
Dahan dahan niyang hinila ang comforter at hinayaan kong gawin niya yun, pagkadilat ko ay napa-irap nalang ako nang makita ang napaka-gwapong mukha nitong abno kong kaibigan. Hindi ko naman idedeny na gwapo talaga si Roigie, kaya nga laging may nagagalit saakin sa school dahil lagi talaga syang nakadikit saakin at akala nilang lahat na meroong something between the two of us, pero never talaga kaming nagkagustuhan sa isa't isa. We find it taboo. Incest. And i can't deal with those things.
"nagluto ako ng favorite mo" napangiti ako at agad na tinulak siya papalayo saakin,
Nang tumayo siya ay inabot ko ang kamay ko at agad niyang hinila yun kaya napasubsob ako sa tiyan nyang wala namang abs. Charot. Hinaplos haplos niya ang buhok ko habang nakayakap ako sakanya at inaantok ulit ako. Ganito kami lagi maglambingan na dalawa, and now i know bakit maraming nagsasabing may something kaming magkaibigan.
"tumawag nga pala si Amer, he's asking if you told your parents about this, baka mamaya tumawag ulit siya"
Bumitaw na ako ng pagkakayakap sakanya at tumayo na ako ng maayos bago kami sabay pumunta sa kitchen, and there i can smell the fresh apples and strawberries, may kasama pang nutella stuffed pancakes na nagpakalam sa sikmura ko. He's actually a good cook, he's way better than me.
Kakatapos lang naming mag-ayos kaya agad agad kaming dumiretso sa hospital kung saan kami magiging resident doctor ng dalawang taon. We were amazed when we saw how many patients are going in and out at the hospital, karamihan sa nakikita namin ay mga bata at kakaunti lang ang mga matatanda. Dumiretso agad kami sa director's office para i-orient kami sa mga gagawin namin. After two hours of talking to the director ay nagtour kaming dalawa ni Roigie sa buong hospital at pinuntahan din namin ang bawat department, pagkatapos naming maglibot ay kumain kami sa isang sikat na restaurant at agad kaming nag-order ng pagkain.
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...