Goodbye.....
Exactly 3 months had passed, usap-usapan ang balitang umalis si Azrael pati na din ang mga pinsan nya sa school. Yes. Silang magpipinsan ang umalis. Hindi din syempre nawala ang balitang anak lang sa labas si Klare at hindi totoong Montefalco.
The case has been stopped, nabalitaan nalang din namin na may emergency yung kabilang kampo at walang nagawa doon ang korte pati narin ang attorney kaya sa huli, sumuko nalang din kami. Tama na. Suko na.
Napatingin ako sa tabi ko na si Cattleya na natutulog ng mahimbing at napangiti ako, the months that passed was hellish for me, buti nalang at bago umalis si attorney ay nagawan nya ng paraan para mas bumilis ang pag-aampon namin kay cattleya. She's now a Sarmiento Valderon. Ang pinaka bunsong babae sa magkabilang angkan.
"bunso gising ka na ba?" napa-upo ako dahil sa naalala kong may family dinner pala kami ngayong araw.
"opo maliligo na ako" dumiretso agad ako sa banyo at naligo.
Nagbihis ako ng simpleng sleeveless black na crop top, ripped jeans atsaka Simmi block heels na siyang nakapagpatangkad pa saakin lalo. Pagkatapos ko magbihis ay saktong nagising si cattleya kaya binihisan ko na din sya tsaka lang kami bumaba.
"kabogera ang ate mo" napabungisngis ako dahil narinig ko agad si ate carolina na siyang girlfriend ni kuya Jaxon.
"saan ba talaga tayo pupunta at kailangan bihis na bihis ngayon?"
"aside from family dinner, ipapakilala ni kuya silver yung special someone nya" napatango siya at agad na binuhat si cattleya.
Napatingin ako saaming lahat, kunti nalang ang kulang sa Valderon gayon din naman sa mga Sarmiento. Yes, we have this reunion every third week of the 6th month. both families, kaya naman napaka espesyal lagi, at kung sino ang hindi makakapunta? magbabayad lang naman ng 2 thousand pesos, kaya nga ang may mga karapatan lang para hindi pumunta ay yung may mga pera. Charot.
Nang nakumpleto na ay tsaka lang kami sumakay sa tatlong van at isang hyundai accent na nasa labas ng bahay nakaparada. Kalahati ng mga magulang ay naroroon sa kabilang van samantalang yung kalahati ay nasa ikalawang van, nasa ikalawang van din ang kalahati ng mga pinsan ko, sa pangatlo naman ay yung kalahati din ng mga pinsan ko at doon sa kotse ay kaming dalawa ni bebe AA.
Nasa unahan yung kotse namin ni bebe AA at sa isang sikat na resto kami kakain. Habang nasa biyahe kami ay napatingin ako sa kalangitan. ulit. Paulit-ulit nalang. Simula ng mangyari yung gabing yun, i always find myself looking at the sky, with traces of stars anywhere and of course.....the moon that is so close to my heart.
"how are you coping up? ok ka lang ba?" nabalik ang tingin ko sa pinsan kong seryosong nagmamaneho, and right there may naalala ako. Naalala ko siya.
"I'm fine, just enough to bond with my family" I heard him sigh, at katulad niya, napabuntong hininga na lang din ako.
Ilang saglit lang ay nasa loob na kami ng resto at umoorder na ako ng dessert ko, pagkatapos maserve ng appetizers ay agad kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa mga namiss namin na pangyayari sa buhay ng isa't isa. Habang nagkwekwentuhan ay biglang humiyaw yung mga pinsan kong lalaki at nangunguna doon sa Eion kaya naman napalingon kaming lahat at nakita ko si kuya silver kasama ang isang napaka gandang babae na suot suot ang damit na pinili ko.
Nagkamustahan muna silang lahat bago nila pa-upo-in ang dalawang bagong dating. I was mesmerized with her beauty kaya naman hindi ko maiwasang tignan siya at halata sakanya na hindi siya sanay makisalamuha sa ibang tao, and now i'm curious......paano niya nakilala ang pinsan ko at paano sila nagkamabutihan ng loob? And i remembered how kuya silver described her days ago.....
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...