Kabanata 1.

1.8K 84 1
                                    

Kabanata 1.

Nung gabing yun ay pinilit ko'ng itago nila Nanay at Tatay ang pag kainis ko sa lalaking yun.

Bukod kasi na tinawag niya akong "Kid." Sa hilatsa ng kanyang pag mumukha ay halatang bully na at maloko.

Don't get me wrong gwapo siya, he's like a boy next door type of guy, maputi at nag susumigaw din ang dimple niya.
Yung itsura niya pang teen magazine.

Buti na lang at hindi napansin ng mga magulang ko sa buong byahe namin pauwi na wala na ako sa mood.

Masaya akong nag lalakad galing eskuwelahan papunta kay nanay, medyo late na nga kami pinalabas ng amin guro dahil may pinagawa pa siya sa amin, kaya imbis alas-dos ay umuwi kami ng alas-tres.

Sinisipa ko ang mga bato na nag kalat sa daan habang iniisip kong saan ba ako pupunta pag katapos ko mag punta Kay nanay.

Kung sa tabing dagat ba dun na lang ako sa mga faulkerson, para makagawa din ako ng akin mga assignment.

Nang nakarating ako sa tapat ng gate ay agad akong pinag buksan ng bantay nito.

"Magandang hapon po, manong." Bati ko, pag kapasok ko sa loob.

"Magandang hapon din naman iha, mukhang nahuli ka ng labas sa eskuwela ngayon." Sabi niya sa akin.

"Opo, may ginawa pa po kasi kami. Sige po mauna na po ako, baka kanina pa ako hinihintay ni nanay." Paalam ko sabay takbo patungko sa likuran bahay.

Tumigil ako sa pag takbo at marahan na nag lakad, nakita ko si nanay na nakatalikod sa akin at may kausap, hindi ko maaninag ko'ng sino.

"Nay, andito na po ako."

Lumingon si nanay at duon ko pa lang nakita kong sino ito.

Siya yung kasama ni Tisoy sa dagat kahapon.

"Anjan kana pala, umupo kana Jan at hintayin mo ako at ilalabas ko ang iniluto kong turon." Anya.

Agad ko naman siyang sinunod ang kanyang sinabi.

Umalis si nanay pag katapos niya kausapin ang lalaki, para kunin ang akin meryenda.

Habang nag hihintay inilabas ko na ang akin mga aklat at notebook para gawin ang akin mga assignment.

Kahit mahalig ako mag laro at gumala ay hindi ko pa rin pinababayaan ang akin pag aaral, sinisigurado ko na bago ako mag laro o mag punta sa dagat ay tapos na lahat ng mga takdang aralin ko, ayaw ko rin naman kasi masayang ang perang ginagastos ng akin magulang at gusto ko rin maka pag tapos ng high school na mataas ang marka.

Habang nag susulat ay pa simple kong tinignan ang isang anino na lumapit sa counter table kung asan ako. Pa simple akong nag angat ng tingin na agad ko din binawi dahil nakatingin din siya sa akin.

Kumuwa siya ng baso at staka nag salin ng tubig sa pitchel na andun.

"Ahhmm." Panimula niya.

Muli ako'ng nag angat ng tingin sa kanya na ngayon ay inilalapag na ang baso.

"Ngayon lang kita nakita dito, ahh.. Ka ano-ano ka ni Alden?" Tanong niya sa akin.

"Iho, kinakapatid siya ni Alden, siya ang anak ko." Biglang sabi ni nanay na nag lalapag ng turon.

Ano ba to si nanay, parang bula na sulpot ng sulpot hindi ko man lang namalayan na anjan na siya.

Tumango at ngumit lang ang lalaki.

"Menggay siya nga pala si Kristopher best friend ni Alden." Pakilala ni Nanay sa akin.

Nahihiya akong tumingin sa kanya at tumango. Pag katapos nun ay bumalik ulit ako sa akin ginagawa.

"Pasencya kana iho, mahiyain talaga yan, kaya din walang kaibigan." Ani Nanay.

Siguro Ganun talaga pag pinag sama ang pagiging introvert and pessimist, kaya siguro hirap din ako makipag kaibigan.

"Okay lang po, Nay Mary. Mukhang busy din kasi siya sa pag aaral."

Kinuwa ko ang platito ng Turon at lakas loob ko siyang inalok, mukha naman siyang mabait.
Ngumiti siya at kumuwa duon.

"Salamat." Anya.

Ngumiti ako sa kanya at habang kumakain siya ay pa simple kong sinuri ang kanyang mukha.
Kayumangi ang kulay ng kanyang balat na bumagay sa makapal niyang kilay, Para siyang sweet na may pagka bad boy ang dating.

"Done checking on me." Napairap ako ng bigla siyang nag salita, yumuko ako dahil ramdam ko ang pag kapula ng akin mukha, buti na lang at kanina pa wala si Nanay dito, kung di inasar na ako nun.

Narinig ko ang bahagyang pag tawa niya, na lalong nagpa pula ng aking pisngi.

"Ang cute mo pala." Bigla niyang sabi habang kumakain.

Ano bang pinag sasabi nito, parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at kainin ako para di niya na ako kausapin pa.

"Pre, Andito ka pala kanina ka pa namin hinahanap." Biglang sulpot ni tisoy sa kusina.

"Hi, kid, Andito ka rin pala." Bati niya sakin.

Pilit akong ngumiti sa kanya, na sinuklian niya ng matamis na ngiti.
Napahawak ako sa akin dibdib ng maramdaman ko na parang kinurot ang akin puso, munit hindi ko pinansin yun Bbaka dala lang ng pagtakbo ko kanina papunta dito.

Hindi ko iniintindi ang pag uusap nila at bumalik sa akin ginagawa.

"Nagyaya sila sa dagat ulit." Naiinis na sabi ni Tisoy.

"Sabihin mo bukas na lang, Pre, bakit kasi sinama sama mo pa yang dalawa na yan sa bakasyon natin, yan tuloy di tayo magka pang chicks." Iiling iling sabi ni kristopher.

Ganyan ba sila sa girlfriend nila? Wala akong experience pag dating sa love pero may nababasa at napapanuod ako na pag mahal mo ang isang tao ay gusto mo siya laging kasama at nakikita, bakit itong dalawang to kabaliktaran, at gusto pang mag hanap ng iba.

"Para may pampalipas oras tayo, pwede naman tayong ma'ng chicks Kahit anjan sila." Natatawa ng sabi ni Alden.

Nakaramdama ako ng pag kainis sa kanilang dalawa. Ano pa nga bang aasahan mo sa dalawang gwapo'ng lalaki na to malamang isang tingin lang nila sa babae ay handa ng mag hubad Ito sa harapan nila.

Gwapo nga mga manloloko naman.

Sinarado ko ang akin akyat at dali dali ko tong inilagay sa akin bag, ng nai ayos ko na ito ay nag madali ako lumabas ng bahay para hanapin si Nanay para maka pag paalam.

"Maine! Saan ka pupunta!" Rinig kong sigaw ni Alden.

Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin, Hindi ko alam kung bakit ako nainis bigla sa akin naisip na, maraming babae'ng nag hahabol sa kanyang babae, matured at sexy na babae. Hindi ko alam kung bakit simula ka gabi ay di na normal ang pag tibok ng puso ko.

Siguro Ganun ko lang talaga siya ka-ayaw kaya pati pag tibok ng puso ko ay galit na din.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon