kabanata 3.

1.3K 74 1
                                    

Kabanata 3.

Kinabukasan ay maaga ako gumising para mag handa sa pag pasok sa eskuwela, hindi ito ang normal na gising ko, kagabi habang nag lalakad kami pauwi ay panay ang tingin ko sa dalawang babae, palihim ko silang sinusuri, sinabi ko sa akin sarili na simula bukas ay kailagan ko ng mag ayos ng akin sarili para di na matawag na bata.

But I realized becaming a woman doesn't happen overnight, hindi naman to na parang magic na kapag hiniling mo na magka boobs ka ay mag kakaruon ka, it's takes time. Kaya ito ako sa salamin at nag lalagay ng powder at nag aayos ng buhok kahit sa simpleng pag aayos lang ay Sana mag mukba akong mature.

Pinaalala ko rin sa akin sarili na kailagan ko na magpa bill ng mga bagong damit kah nanay sa palengke yung magagandang bestida.

"Menggay, anak, gising ka na ba?" Tawag ni Nanay sa labas ng akin kwarto.

"Opo!" Sigaw ko habang inuulit uli ang pag kakatali ng akin buhok.

"Haiist.." Malalim na buntong hininga ko.

Bakit ko ba to ginagawa?  Bakit ko ba naisip na gumising ng maaga para dito? Eh, ano naman kung tawagin niya akong bata di ba.

Paulit ulit kong sinasabi sa akin sarili na hindi ako nag aayos para sa kanya at para di niya na ako tawagin bata pero sa huli ay para lang akong tanga.

Sa huli ay hinayaan ko na lang nakalugay ang akin buhok at lumabas na ng akin kwarto.

"Magandang umaga nay. " Bati ko Kay nanay habang nag aayos ng amin umagahan.

"Wow, ang ganda ganda naman ng anak ko, dalaga kana talaga." Anya.

"Talaga po?!" Parang kumislap ang akin mga Mata sa kanyanh sinabi.

Umupo ako sa hapag kainan at nag simula ng kumuwa ng tinapay.

"Oo naman maganda ka, siya nga pala anong meron at naka ayos ka ngayon?"

"Siguro may pinapagandahan kana sa eskwela na no?" Panunukson niya sa akin.

Bigla akong nasamid sa sinabi ni nanay, ramdam ko rin ang pagkapula ng akin pisngi.

"Sinong may nagugustuhan sa eskwela?" Tanong ni tatay na kakalabas lang ng kwarto.

Great! Dumating pa si tatay.

"Magandang umaga Tay." Bati ko.

"Magandang umaga din anak, ikaw ba yung tinutukoy ni nanay mo na may nagugustuhan na sa school?"

"Kaya ba naka ayos ka ngayon, nak?" Tanong niya bago humigop ng kape.

"Wala pa po sa isip ko yan, naisipan ko lang mag ayos, kase maaga ako nagising." Sabi ko.

Wala pa naman talaga sa isip ko yan, pag hanga lang naman ang nararamdaman ko sa tisoy na yun at sigurado ako mawawala din to.

Umuling ako ng bahagya..

Akala ko ba menggay hindi mo siya nagugustuhan, bakit ngayon bigla mo ng inamin na hinahangaan mo siya.

Para akong baliw na nahahati dahil pati ang akin sarili ay kinakausap k o na.

Tahimik kaming kumain, hindi na rin ako nag salita pa para di na humaba ang usapan namin tungkol sa pag aayos ko.

Pag katapos namin mag umagahan ay inihatid na kami ni tatay. Gento ang kanyang ginagawa tuwing umaga bago siya mangisda, sa hapon kasi ay nag tricycle na lang ako o kaya nag lalakad pauwi at sa gabi kaming dalawa naman ang sumusundo kay nanay.

Una namin inihatid si nanay bago ako.

"Menggay, hindi kita pinag babawalan na may magustuhan o humanga kasi normal lang yan sa edad mo, pero wag mo lang pababayaan pag aaral mo." Sabi ni tatay sa akin habang seryoso na nag mamaneho.

"Tay, sabi ko naman sayo wala oa sa isip ko ang mga ganyan bagay, at oo naman po di ko pababayaan pag aaral ko." Sabi ko sa kanya.

"Di ko rin naman masisise na may magka gusto sayo nak, ang ganda ganda mong bata. Dalaga kana talaga." Anya sabag gulo ng akin buhok.

"Tay naman eh!"

Hindi tumigil si tatay sa pagpapaalala sa akin at pang aasar hanggang makarating kami sa school munit tinatawanan ko lang siya.

Mahigpit ko'ng yakap yakap ang akin libro habang nag lalakad papunta sa akin classroom. Pansin ko ang mga tingin nila sa akin habang nag lalakad, may ngilan ngilan din na bumabati na kakilala na nginingitian ko naman.

"Hi Maine, ang ganda mo naman ngayon." Bati sa akin ni Emma na akin ka-klase.

Masyado akong naninibago, pulbos lang naman ang nilagay ko sa akin mukha at nilugay ko ang akin buhok ang akin medyo mapulang labi ay natural na, binasa ko na lang ito ng akin laway.

Kagaya ng dati ay ngumiti lang ako at tahimik pumunta sa akin upuan.

Tahimik ako'ng umupo at staka binuklat ang akin libro habang hinihintay dumating ang amim guro.

Napatingala ako ng may paa akong napansin na nakatayo sa akin gilid.

"Mai... Maine, pwe..de.." Utal niyang panimula.

Nakatingin lang ako sa kanya habang iniintay ang kanyang sasabihin, kitang kita sa kanyang ayos na kinakabahan siya.

Bahagya siyang natulala at yumuko

"Bakit Miguel?" Mahina ko'ng sabi.

'Okay ka lang ba?" Tanong ko ulit.

Tumango siya at bahagyang bumuga ng hangin.

"Okay lang ako, gusto lang sana yayain ka, pwede ka ba'ng makasabay mag lunch mamaya'ng tanghali?" Medyo kinakabahan niyang sabi.

Hindi ko alam kung papayag ba ako, mabaiy naman si Miguel at ito ang una na may nagyaya sa akin na kumain, usually kasi mag isa lang ako kumakain ng tanghalian, since binabaunan naman ako ni nanay ay mas pinili ko sa classroom na lang kumain.

Wala naman sigurong masama ko'ng sasabay ako sa kanya, siguro kailagan ko na rin makipag kaibigan at labanan ang akin hiya.

Dahil matagal ako sumagot ay nag simula na siyang maglakad pabalik sa pwesto niya kaya mabilis akong nag salita.

"Okay lang." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang marahan pag silay ng kanyang ngiti

"Talaga?!" Excited niyang sabi

Tumango lang ako.

"Okay lang ba? Kasi may baon ako, baka di pwede sa canteen tumambay." Tanong ko.

"May baon din ako, bili na lang tayo ng softdrinks para pwede tayo kumain sa canteen." Anya

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon