Wakas.

2.3K 111 15
                                    

This will be the end of Chasing Waves(Maichard Fan fiction.) Maraming salamat sa mga nagbasa..
Please read LIE TO ME my 3rd Maichard fanfic.

(Follow me on Twitter: @iamdhags)

Wakas.

Alden Pov.

Hindi pumasok sa isip ko ang pagpapakasal noon, ang tanging nasa isip ko lang ay mag enjoy habang nag aaral ako, ang katwiran ko kasi pag naka graduate na ako may malaking responsibilidad ako na kakaharapin, ang pagpapatakbo ng Resort namin sa batangas.

"RJ!! Ano tuloy ba tayo sa makalawa sa batangas?" Sigaw sa akin ni Kris habang pinapanuod ang mga babaeng nag dadaan sa tapat ng amin table.

Ibinaba ko ang baso na may laman alak at staka bumaling sa kanya. "Oo, nasabihan ko na si Dad, tamang tama may pag uusapan daw kami pag uwi ko." Sabi ko sa kanya.

Tumawag kasi ako kay Dad nung isang araw para ipaalam sa kanya na dun kami mag babakasyon para sa semestral break namin. Tuwang tuwa siya nang nalaman yun, bihira kasi ako umuwi sa batangas simula nung nag aral ako dito sa maynila kaya ramdam ko ang saya ni Daddy nung nalaman niya.

Isa pa sa ikinakatuwa niya na uuwi ako dahil gusto niyang ipakilala sa akin ang kanyang inaanak na anak ng kanyang matalik na kaibigan at nang amin mayordoma.

"Sige na nak." Pangugumbinsi niya sa akin ng magausap kami sa cellphone.
"Mabait at Maganda si Maine, alam ko na magugustuhan mo rin siya." Dugtong niya pa.

Nakukutuban ko na kung bakit gusto niya sa akin ipakilala ang babaeng yun sa akin.

Kaya hindi ko na gumawang tumutol pa, dahil naisip ko ang babae ang gagawa ng paraan para di matuloy ang pina plano ng amin mga magulang sa amin dalawa.

Kaya nang umuwi ako, bukod kay Kris sinama din namin yung mga ka fling namin, sila louise at Bea.

Sa iisang university lang kami nag aaral at sila louise ang mga laging dikit ng dikit sa amin noon pa man kaya hindi mahirao sa akin yayaain silang sumama sa amin ni Kris para sa akin plano.

Tanghali na kami nakarating sa batangas at nagkayayaan kagad na mag punta sa dagat ang mga kasama namin babae kaya naman dinala namin sila dun para makapag relax din kami ni Kris.

Napatigin ako sa bandang gawi ng dagat malapit sa batuhan kung saan may isang batang babaeng nag lalaro sa dalampasigan.

Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya dahil nakaupo siya at nakayuko habang nakangiti.

Napaka inosente niyang tignan sa kanyang puting duster at nakakahawa ang kanyang mga ngiti.

Bigla siyang tumakbo nang napansin niya na may mga kasama na siya sa dagat.

Napailing na lang ako sa kanyang ginawa'ng pag takbo para ba'ng nakakita ng multo.

"Sino tinitignan mo Jan babe?" Napatingin ako sa akin gilid ng biglang lumapit si louise sa akin.

Umiling lang ako at staka nag patuloy kami sa pagkakasiyahan.

Kinagabihan pinatawag ako ni Daddy sa kanyang opisina. May kutob na ako kung bakit niya ako pinatawag at gusto kausapin.

Pag karating ko agad ako'ng pumasok at nakita ko siya na may binabasa.

Umupo ako sa silya na nasa harapan niya.

"Nak, darating dito si Maine, para sunduin si Mary." Seryoso niyang sabi.

Tumango ako.

"Ipapakilala kita anak sa kanya. Hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Kapag nasa tamang edad kana at si Maine ipapakasal namin kayo'ng dalawa. Pero gusto muna namin nila Mary at Teddy na magka kilala kayo ng lubusan at magkapalagayan ng loob. Bata pa rin naman si Maine kaya hindi ka namin minamadali. Kung hindi naman mag work at hanggang mag kaibigan lang talaga kayo, hindi namin ipipilit ito sa inyo." Mahaba niyang sabi habang seryoso pa rin nakatingin sa akin.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon