Kabanata 5.

1.1K 84 2
                                    

Kabanata 5.

Pinunasan ko ang akin luha Habang nag lalakad pauwi ng bahay, bitbit ang akin libro at bag ay hindi ko inalantana ang init at luha ko, ang tanging inisip ko ang maka alis sa bahay nila, ni hindi ko nga na isip na makapag paalam kay nanay.

Hindi lahat talaga ay gusto kung maging kaibigan, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako ng sumama kila Alden sa dagat lalo't na kasama yung mga kaibigan nilang babae.

Hindi ko naman na pinagkakaila na Anak ako ng katulong, Kaya baliwala yung sinabi nila sa akin kanina, Pero yung tawagin akong malandi ay masakit sa akin yun.

Napakadali talaga'ng mang husga ng ibang tao, para sa kanila kahit pag ka kaibigan lang yung hanap mo sa iba ay pag lalandi na yun, sa iba iniisip na nila na may gusto kana kagad sa taong yun.

Inaamin ko naman sa sarili ko na hinahangaan ko si Alden, pero hanggang duon lang yun, Oo masaya ako dahil inimbita niya ako na sumama sa kanila Pero wala naman sa isip ko na agawin sa kanya si Alden, kahit wala pa akong karanasan sa pag ibig at relasyon Alam ko na mali ang mang agaw ng kasintahan ng iba. Talagang pag ka kaibigan lang ang habol ko kaya ako pumayag na sumama, Pero naging masama ang naging kahulugan nito sa mga kaibigan niya, sa huli ako pa ang naging masama.

Muli ko'ng naalala ang galit at disappointment sa mukha ni Alden kanina nung nakita niya yung nangyari at narinig niya ang kasinungalingan ng girlfriend niya. Hindi ko tuloy alam kung paano pa siya ulit haharapin.

Bago ako pumasok ng bahay ay tumigil muna ako sandali sa ilalim ng puno at umupo duon para kalmahin ang sarili, Baka kasi makita ako ni tatay na umiiyak at tanungin pa ako nuon.

"Haiist..." Malalim na buntong hininga ko habang pinag bubunot ang mga damo sa akin tabi.

"Akala ko nababasa at napapanuod lang sa mga teleserye sa telebisyon yung hindi pwede makipag kaibigan ang mayaman sa mahihirap, yung pala pati sa totoong buhay nangyayari siya." Sabi ko sa akin sarili habang patuloy sa akin ginagawa.

Akala ko ang pag ka kaibigan ay walang pinipiling stado o antas sa buhay meron pala.

Sandali pa akong nanatili sa ilalim ng puno bago pumasok sa bahay ng naging okay na ang akin nararamdaman, tila ba tinuyo na ng hangin ang akin mga luha, at kahit papaano ay gumaang ang akin loob. Laking pasalamat ko na lang na wala pa si tatay sa bahay kaya dumiretcho ako sa akin silid para duon ipagpatuloy ang akin assignment na hindi na tapos, napag desisyunan ko rin kanina na ipag paliban na muna ngayon araw ang pag punta ko sa dagat para hindi sila makita.

Ayoko rin naman kausapin ako ni Alden tungkol sa nangyari kanina, na pag isip-isip ko kanina, na iwasan na lang sila para di na maulit ang nangyare kanina sa bahay nila. Bukod dun ayoko rin naman mag paliwanag pa dahil alam ko na si Louise ang kakampihan at paniniwalaan niya.

Itutuon ko na lang ang akin atensyon sa eskuwela at sa bago kong mga kaibigan.

"Menggay.." Napabangon ako sa akin kama ng narinig ko ang pagkatok at tawag ni Tatay sa akin sa pinto.
Tinignan ko ang oras at nagulat ako dahil mag alas siete na ng gabi, di ko namalayan na nakatulog ako pag katapos ko sa akin mga takdang aralin.

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Okay ka lang ba?" Bungad na tanong sa akin ni tatay pag bukas ko ng pinto.

Tumango ako habang kinukusot pa ang akin mata.

"Susunduin ko na ang nanay mo sa sama ka ba?" Anya na agad ko'ng inilingan.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon