Kabanata 10.

1.1K 88 1
                                    

Kabanata 10.

Tahimik akong umiiyak sa ilalim ng puno, hindi ko matangap sa akin sarili na nasabi ko kay Alden ang nararamdaman ko, somehow gumaang ang akin loob pero di ko mapagkakaila kaila na natatakot dahil baka ito ang dahilan ng pagka siya ng amin relasyon.

Mabilis ko'ng pinunasan ang akin luha ng may narinig akong mga yapak ng mga paa na patungo sa akin direksyon.

"Maine?!" Rinig kong pag tawag ni Alden sa akin pangalan.

Tinakpan ko ang akin bibig gamit ang akin kamay upang mapigilan ang pag hikbi, ayoko makita niya akong umiiyak.

"Maine, kailagan natin mag usap." Anya habang papalapit sa akin.

"Huwag kang la...lalapit." Sabi ko habang umiiyak. "Please." Pakiusap ko pa.

Naramdaman ko ang pag presto niya sa likuran puno, dahil sa mga tuyong dahon na kanyang tinatapakan.

"Dito lang ako sa likuran mo, kung ayaw mo akong makita, basta mag usap tayo." Anya.

Tumayo ako at inayos ang akin sarili at staka sumadal sa puno.

"Galit ka ba sa akin?" Mahina kong tanong.

"Bakit naman ako magagalit sayo?" Tanong siya.

Marahas ko'ng pinunasan ang akin luha.

"Dahil sa biglaan ko nasabi sayo na gusto kita. Nakita ko kasi yung itsura mo Nagulat ka at walang nasabi."

"Nagulat lang kasi ako dahil sa sinabi mo, but it doesn't mean na galit ako, sa katunayan nga flattered pa nga ako dahil gusto mo ako." Anya.

"Naiintindihan ko yung nararamdaman mo, normal lang sa age mo na mag karuon ng crush, lahat tayo dumaan jan. Pero bata ka pa para malaman mo kung seryoso ba yan o pag hanga lang ang nararamdaman mo."

Pinilit ko ang akin mga mata habang pinakikingan ang kanya sinasabi.
Hindi ko alam pero Masaya akong marinig na okay lang sa kanya na malaman gusto ko siya, o siguro sanay na talaga siya na may umaamin na babae sa kanya kaya normal na lang ito para sa kanya at alam niya kung paano I handle.

"Wag kang mag padala sa emotion mo Maine, bata ka pa, enjoy mo yung feeling na may nagugustuhan kasi pag lipas ng panahon mawawala din yan at makaka hanap ka ng taong pag aalayan mo ng pag mamahal mo."

"At mapapangiti kana lang pag naalala mo yung nangyari ngayon." Anya.

Hindi ko man siya nakikita, ramdam ko na nakangiti siya habang sinasabi ito. Hindi man niya sabihin ng direcho alam ko na hindi niya kayang suklian ang akin nararamdaman sa kanya.

Masakit? Oo, siya ang una ko'ng nagustuhan at siya rin ang unang taong nag reject sa akin, pero naiintindihan ko, Una may girlfriend siya, pangalawa siguro ay masyado pa akong bata sa kanya, pangatlo hindi talaga ako ang tipo niyang babae.

"Naiintindihan ko, tama ka bata pa nga ako at madami pa akong makikilala na mas higit pa sayo."
Malungkot kong sabi. Kahit sa totoo lang alam ko na hindi ganun kadali yun, pero kakayanin ko.

"Basta kung sakaling mag-kita tayo ulit at hindi na ako bata wag na wag mo akong liligawan dahil ba-bastidin kita." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang pag tawa niya sa akin, staka siya umalis sa likod ng puno at pumunta sa akin harapan.

"Wala din makakalapit sayo'ng lalaki pag dalaga kana." Anya.

Buti na lang ay tumigil na ang akin luha bago niya pa ako maharap.

"Alam mo ba ikaw ang Una ko'ng nagustuhan tapos ikaw din ang unang heartbreak ko." Nakangiti ko'ng sabi sa kanya.

Mukha man ako'ng okay na sa labas pero nasasaktan pa rin ako, parang biglang tinangay ng malakas na Alon ang mga alaga ko'ng talangka sa akin tyan.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon