Simula.

3.3K 102 1
                                    


Masaya ko'ng hinuhuli ang mga naliliit na talaka sa dalampasigan na ngayon ay nag tatakbuhan at nag tatago sa mga buhangin.

Gento ang ginagawa ko araw araw, ang mag laro sa tabing dagat, bata pa lang ako ay namulat at dito na ako nag ka isip sa tabing dagat.

Ang akin magulang Ama ay mangingisda habang si Nanay naman ay Mayordoma sa isang kilalang pamilya dito sa amin bayan.

Nag iisang Anak lang nila ako kaya hindi kami masyadong naghihirap.
Napag aaral nila ako sa magandang eskuwelahan at Kahit papaano ay nabibigay nila sa akin ang akin mga pangangailagan, Pero di ko rin maiwasan malungkot Dahil wala akong kapatid, Katulad ngayon kung may kapatid sana ako sila dapat ang kalaro ko hindi yung mga talangka.

Bigla akong napatingin sa di kalayuan ng nakita ako dalawang binata sa tansta ko ay tatlong taon ang pagitan sa akin, may mga kasama silang dalawang babae na kasing edad din nila.

Agad akong tumayo, at inayos ang akin suot na puting kamison at agad nag tago sa malaking puno ng buko.

Mula sa akin puwesto ay Kitang kita ko ang pag haharutan nilang apat, siguro ay magka kasintahan sila na namasyl dito at mukhang tiga maynila sila, dahil ngayon ko lang sila nakita rito sa amin bayan.

Agad ako nakaramdam ng inggit sa katawan, Nung nakita ko kung gaano sila kasaya.

Ganyan siguro kapag mahal mo masaya ka.

Hindi pa ako nakakaranas na umibig dahil bukod sa bata pa ako at 2nd year high school pa lang ay nakatuon din ako sa akin pag aaral. May crush naman ako sa eskuwela pero hanggang duon lang yun, Wala pa talaga sa isip ko ang mga ganyan bagay.

Masaya ko silang pinanuod, ni hindi ko na nga namalayan ang oras kung hindi ko pa napansin ang papalubog na araw ay hindi pa ako aalis, araw ko rin kasi gabihin sa parte ng isla na ito, hindi naman kasi ito puntahan ng mga turista dahil napaka pribado ng lugar na ito, may mangilan ngilan na nag papuntang mangingisda at Minsan yung mga ibang nakatira sa amin bayan, halos dalawang minuto din kasi ang lalakarin mo para maka punta sa parte na ito, kaya Walang masyadong pumupunta.

Tahimik akong umalis, halos iwasan ko ang mga tuyot na dahon para di makagawa ng ingay para di nila ako makita.

Lubog na ang araw Ng nakarating ako sa amin bahay, sa labas pa lang ng pinto ay nakita kuna si tatay na may hawak na lampara habang hinihintay ako.

"Tay.." Sigaw ko at agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Saan kana naman nag susuot kang bata ka? Sinabi ko sayo wag kang mag papagabi." pagalit niya sa akin habang papalapit ako.

Nang makarating ako sa tapat niya ay agad akong nag mano at yumakap sa kanyang bewang.

"Sorry po tay, masyado lang pa ako na aliw sa pag lalaro sa dalampasigan." Naka nguso kong sabi.

"Pumasok kana sa loob at maligo para masundo na natin ang Nanay mo, magagalit yun pag nakita niya ang dungis dungis mo at puro putik at buhangin yan damit mo." Anya habang Marahan hinimas ang akin buhok.

Agad nag liwanag ang akin mga mata sa sinabi ni Tatay. Pupunta kami sa Mansion ng mga Faulkerson at makikita ko ulit si Ninong Richard.

"Talaga po?!" Agad akong humiwalay sa yakap kay tatay, agad naman siyang tumango at staka ako nag madali na pumasok sa bahay.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon