Kabanata 24.

1.2K 86 3
                                    

Kabanata 24.

Madilim na ng nakuwi kami nang bahay, sa labas pa lang ng bahay baka abang na si tatay.

Agad naman itinigil ni Alden ang kanyang kotse nang nasa tapat n kmi, hindi ko na hinintay pa na pag buksan ako ni Alden ng pinto at agad ako'ng lumabas.

"Tay.." Masaya ko'ng bati sa kanya.

Nakita ko ang pag tataka sa mukha ni tatay nang tumingin siya sa akin.

"Para'ng di naman tayo nag kita kanina anak kung maka react ka." Biro ni tatay. "Ako'ng meron at masaya ka yata." Tanong niya sa akin.

Narinig ko ang pag sarado ng pinto ng kotse at nabaling sa likuran ko ang paningin ni tatay.

"Magandang gabi Tito." Bati ni Alden, tinignan ko si Tatay bago nilingon si Alden.

Kung kanina makikitaan mo sa mga Mata ni tatay ang pag tataka ngayon naman ay may nag tatanong na tingin ang ibinigay niya Kay Alden.

Nag pabalik balik ang tingin ko sa kanila at tila ba nag uusap sila gamit ang mga Mata.

"Tay na-nag punta lang po kami ni Alden sa dagat." Paliwanag ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pumasok kana sa loob nak at maligo susunduin na natin si Nanay mo." Aniya at tumingin kay Alden. "May pag uusapan lang kami ni Alden." Aniya ng hindi nakatingin sa akin.

"Opo." Bigo ko'ng sabi at staka tinignan si Alden ngumiti siya at tumango.

Yung saya ko kanina ay biglang napalitan ng pag aalala, pag tataka at tanong. Ano'ng meron at bakit parang may takot o pangamba sa mukha ni Alden at Kay tatay naman ay parang ang dami niyang gusto'ng itanong Kay Alden. Namamalik mata lang ba ako kaya iba ang iniisip ko.

Hanggang naligo ako at nag bihis ay hindi ko maiwasan isipin kung bakit ganun ang naging reaksyon nil pati na rin pinag usapan nila ay gusto ko malaman. Kaya agad ko'ng kinuwa ang akin cellphone at nag tipa ng mensahe kay Alden.

Ako:

Nasa bahay ka na ba?

Inilapag ko sa vanity table ang akin cellphone at agad nag suklay.  Bigla naman ito'ng tumunog kagad kaya agad ko ito'ng kinuwa at binasa ang kanyang mensahe.

Alden:

Yup!! Papunta na kayo dito?

Agad ako'ng nag tipa.

Me:

Oo. Nagmamadali na nga ako kasi gusto ko nang makita si Nanay. Ano nga pala'ng pinag usapan niyo ni tatay?

Ilang bases ko mo nang binasa ang akin mensahe bago ko pinindot ang ang send button.

Hindi ko na binaba ang akin cellphone.

Para ako'ng sira na di mapakali na nag aabang nang kanyang sagot, panay ang tingin ko sa akin cellphone dahil sa dagal ng kanyang sagot. Lumipas ang dalawang minuto bago muling tumumog ang akin cellphone.

Alden:

Wala naman tungkol lang sa internship mo ang pinag usapan namin. Si Nay Mary lang ba ang excited ko'ng makita, ako hindi?

"Menggay, Ready ka na ba?" Mag titipa na sana ako ng sagot sa kanya ng kumatok si tatay sa akin kwarto at tinawag ako.

Muli ako'ng tumingin sa salamin at staka lumabas. "Sorry Tay, Tara na po." Sabi ko at staka niyaya na siya.

Pag kasakay ko ng jeep ni tatay ay doon ko lang na replayan si Alden.

Ako:

Ganun ba? Akala ko pinaglitan ka dahil madilim na tayong nakauwi.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon