kabanata 13.

1.1K 75 1
                                    

Kabanata 13.

Naalala ko na naman ang unang Gabi namin dito ni Emma sa balcony, yung gabing yun na napuno ng lungkot at tawanan, somehow that night natauhan din ako sa mga binitiwan salita ng akin kaibigan.

It was a heart to heart talked, bihira lang namin gawin yun kaya talagang ninamnam ko lahat ng kanyang sinabi.

"Maine, kung ako sayo I let go mo na yung feelings mo kay Alden, kase masasaktan ka lang." Panimula niya.

Nakahalukipkip lang ako sa upuan habang nakikinig sa kanya.

"I've seen you for years kung paano ka naging masaya kahit sa simple na text messege at tawag niya sayo, nakita din kitang magkanda lukot lukot ang mukha sa tuwing nakikita mo yung mga tagged photos niya sa facebook na iba't ibang babae na kasa sa bar at ako ang nasasaktan sayo nung mga panahon na tuluyan ng nawala yung communication niyo. Maine mahirap ang one sided love lalo't na hindi kayo nag kikita at walang communication."

"Tapos nagkita kayo kanina na may ka sex siyang iba dito sa bahay, ano masokista ka ba talaga? Maine, stop chasing him, stop hoping na balang araw magugustuhan ka din niya, stop chasing the waves lalo na yung alon hinahabol mo eh mapanganib,  yung imbis na dalin kayo ng surfboard mo sa shore ng ligtas e, baka nasa kalagitnaan kana staka ihuhulog at malulunod ng walang sasalo o mag liligtas sayo."

"You know what i mean maine. Right?"

Naintindihan ko ang gusto niyang sabihin, na baka tuluyan akong mahulog sa kanya at sa huli ay masaktan o ma reject na naman ako.

Tumango ako.

"Maganda ka, Matino at talented, maraming nanliligaw sayo, pero ayaw mo sila pag tuunan ng pansin di dahil hindi ka pa ready, kundi may iniintay ka na tao, someone na matagal mo ng gusto kaso kaibigan lang ang tingin sayo." Malungkot niyang sabi.

"Paano emma? Ilang beses ko ginawang kalimutan siya pero sa huli siya pa rin ang gusto ng puso ko." Sabi ko.

"You didn't try harder sis." Maikli niyang sabi.

Madaling sabihin na kakalimutan ko na siya pero ang hirap hirap gawin, pero tama siya, siguro tigilan ko na yung pag iilusyon ka na one day magugustuhan nga niya ako.

Kaya simula ng gabing yun napag desisyunan ko na kalimutan siya at ituon ang akin panahon sa pag aaral, even unfriended him sa facebook para hindi ko na siya ma stalked sa profile niya at hindi ko na makita ang mga tagged photos sa kanya.

Now i'm here in the balcony watching the moon. Realizing how time flies, halos isang taon na ang nakakaraan ng pilitin ko ang akin puso't isipan na huwag ng umasa at taasan ang bakod para protektahan ang akin sarili.

Tomorrow is my 18th birthday sad to say ay hindi ko ito ce-celebrate kasama ang akin magulang dahil sa may pasok ako, pero nangako naman ako na uuwi sa weekend, naintindihan naman nila nanay at tatay sabi nila mas maganda nga na sa sabado na lang ako umuwi para maisama ko pa ang mga kaibigan ko. kaya pumayag ako, nasabi ko na rin nila Emma at Miguel at iba ko pang malapit na kaibigan at pumayag naman silang sumama.

Pero bago kami pumunta ng batangas bukas ay mag celebrate kami sa isang bar sa taguig, ayoko sana dahil hindi naman ako umiinom at hindi sanay makipag socialize.

"Sige na maine pumayag kana, 18 means legal kana pumasok sa mga bar, staka birthday mo naman kailagan mo'ng mag relax panay ka aral.. Please." Sabi ni Criselda.

Sumangayon naman sila Emma sa kanya.

"Please.. Gusto ko din kasi ma experience mag punta sa bar." Ani Emma.

Palibhasa ay kaming dalawa ni emma ang walang social life at hindi pa nakakapasok sa mga bar at puro pag aaral ang inatupag ay pumayag na din ako.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon