Kabanata 8.

1.1K 71 2
                                    

Kabanata 8.

Pag ka pasok ko sa amin silid aralan ay agad ako'ng umupo sa akin silya at ni labas ang akin libro at nag simula ng mag basa, dahil maaga pa ang ibang kaklase ko ay nag kwe-kwentuhan at ang iba naman ay nasa labas.

"Maine, Pwede ka ba mamaya? yayain ka sana namin ma-masyal sa plaza." Napatingin ako kay Emma ng Lumapit siya sa akin at niyaya ako.

Gusto ko man sumama sa kanila ay hindi pwede dahil sa nauna ko'ng plano.

"Hindi Emma, may lakad kasi ako mamaya." Malungkot kong sabi.

"Siyang naman, ito sana ang unang beses na makakasama ka namin," Anya.

Bigla ko'ng naisip na pwede ko naman sila isama sa dagat mamaya, sigurado naman ako na hindi magagalit sila Alden.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at napatingin siya sa akin. "Kung gusto niyo, sumama na lang kayo sa akin sa dagat mamaya? Ipapakilala ko kayo sa kaibigan ko." Aya ko sa kanya, nakita ko ang pag kislap ng kanyang mata at masaya ng ngiti pagkatapos kong sabihin iyon.

"Sige ba! Kaso wala kaming dalang panligo?" Malungkot niyang sabi.

"Pwede naman umuwi na muna, alas kuatro naman kami magkikita, ako rin kasi uwi muna at mag papalit staka ako pupunta duon, kung gusto niyo duon na lang tayo mag kikita." Sabi ko sa kanya at sumangayon naman siya.

Sinabi niya ang pinag usapan namin kila Miguel at sa dalawa pa namin kaibigan, itinuro ko sa kanila kung saan ang patungo sa amin, dahil maliit lang ang amin bayan ay agad naman nila itong nalaman.

Buong araw ko sa eskuwela ay wala akong ginawa, halos di na ako nakinig sa akin mga guro dahil lumilipad ang akin isip, buti na lang kahit papaano ay naka ka sagot pa ako pag tinatawag ako ng akin teacher.

Hanggang sa mag uwian kami ay lutang pa rin ako.

"Maine, kita kita na lang tayo sa bahay niyo ah?!" Ani Miguel.

"Bakit kasi wala ka'ng cellphone para atleast ma text ka namin kung pa punta na kami." Dugtong pa niya.

Halos lahat ng mga ka-klase ko ay mga cellphone ako lang yata ang wala, Hindi naman ako nagpapa bili sa magulang ko dahil hindi ko naman siya kailagan, una dahil wala naman ako'ng ite text bukod sa akin mga magulang.

"Wala naman kasi akong pag gagamitan ng cellphone kaya Hindi ako nagpapabili." Simple ko'ng sabi.

Tumawa si Emma at umiling. " Napaka manang mo talaga Menggay, siempre ngayon may pag gagamitan kana, itetext ka namin ka pag may mga assignment tayo or may mga tanong ka tungkol sa school at iba pa."

"Hayaan mo pag iisipan ko kung magpapabili ba ako." Tanging sagot ko.

Ginawa ko pa rin ang lagi kong ginagawa sa tuwing pauwi na akoako, ang mag lakad papunta kay Nanay para gumawa ng assignment at pag katapos staka ako uuwi ng bahay, pero sandali lang ako nanatili duon at umuwi na rin para makapag palit.
Hindi ko rin nakita sila Alden sa mansion hindi na rin ako nag tanong pa kay Nanay para di na ako mag tagal duon

Bago pa ako umalis sinabi niya na sila Alden na ang mag dadala ng lahat ng pag kain kahit yung pinaluto ko sa kanya na paborito nito.

Pag dating ko sa bahay halos ilabas ko na ang lahat ng damit sa aparador, kung dati ay kuntento na ako sa puting kamison o sando at short pag pupunta ako sa dagat ngayon ay halos pag sisihan ko bakit puno gento ang akin damit.
Napangiti ako ng naalala ko na may ilang piraso kaming damit na binili ni Nanay sa palengke nuon, agad kong binuksan ang isa pang aparador kung saan ko nilalagay ang akin mga pang alis at uniporme.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon