Kabanata 15.

1.2K 83 4
                                    

Kabanata 15.

Hindi ko alam ko'ng swerte ba to'ng nangyari sa akin ngayon gabi o kamalasan. Sa gabi pa mismo ng birthday ko siya kasama at hindi ko alam kung matutuwa ako sa pag halik niya sa akin..

My God! Alden Richards kissed me! He stole my first kiss!!

Tahimik along nkasimangot sa loob ng kotse habang papauwi, wala ni isa sa amin ang nag sasalita.

Tumingin ako sa kanya habang nag mamaneho, kaliwang kamay niya lang ang nakahawak sa manibela, habang ang isa ay hinihilot ang kanyang sentido, pinag masdan ko siya habang seryoso at nakakunot man ay napapangiti siya bigla at napalailing.

Anong nangyari dito na baliw na yata..

Sabi ko sa akin sa sarili.

"Wait.. Hindi ito ang daan papunta sa bahay alden.." Sabi ko sa kanya munit nag tuloy tuloy lang siya sa pag mamaneho na para bang walang narinig.

"Saan mo ba ako dadalhin? Impossible na hindi mo alam ang papunta sa apartment niyo, e, dun mo nga dinadala mga babae mo!" Sigaw ko sa kanya.

Pigilan ko man maging mapait pero hindi ko magawa lalo na't naalala ko yung nangyare noong nakaraan taon.

"Pupunta tayo sa hot...."

"Stop the car Alden!! Hindi ako sasama sayo sa hotel, at hindi ako katulad ng mga babae mo na easy to get.. Kaya ko'ng umuwi mag isa!! Stop the car!" Hindi ko pinatapos ang kanyang sinabi.

Bwisit na to! Itutulad niya pa ako sa mga babae niya, aba! Porket wala siyang nakuwang babae sa bar ako itong replacement niya.. Kapal niya.

Bigla siyang tumawa dahil sa akim naging reaction..

"Baby, don't worry kakain lang tayo sa hotel namin, wala akong balak matawag na child cradle." Natatawa niyang sabi.

"Birthday mo ngayon di ba kaya bago kita iuwi sa apartment, papakainin mo na kita, ng mahimasmasan yang madumi mo'ng utak." Anya sabay lingon sa akin.

Great! Hindi na ba matatapos to'ng kahihiyan na natangap ko ngayon araw ng birthday ko.

Wait..

He knows na birthday ko today? 

"Pa... Paano mo nalaman na birthday ko ngayon?" Nag tataka ko'ng tanong.

Hindi niya sinagot ang akin tanong.

Baka sinabi ng Daddy niya sa kanya kaya niya nalaman.

Imbis ipahiya ulit ang sarili, inihilig ko na lang ang akin ulo sa headrest ng sasakyan at nanahimik.

Makatabi at makasama siya ulit makalipas ilang taon tila ba isang panaginip. Pero hindi ko mapag kakaila ang akin nararamdaman na emosyon ngayon ang kalabog ng akin puso na tila ba na hindi na ako makahinga dahil ilang distansya lang ang layo namin.

Sinabi ko last year na titigilan ko ng pangarapin siya, hindi na ako aasa pang muli, kaya hindi ko hahayaan masira ang itinayo ko'ng mataas na bakod dahil lang sa nangyare ngayon.

Napaayos ako ng upo ng itigil niya ang kanyang kotse sa isang hotel, bahagya ako'ng sumilip para tignan ito.

Bumaba siya at ibinigay ang susi sa vallet at staka pinag buksan ako ng pinto. Aalalayan pa sana niya ako'ng maka labas munit hindi ko pinansin ang kanyang kamay.

Inilibot ko ang akin Mata sa kanilang hotel, dahil ito ang unang pag kakataon na makapunta dito, manghang mangha ako sa akin nakita.

Isang modern luxury hotel ang ipinatayo ni ninong years ago at sa pag kakaalam ko ay si Alden ang nag ma-manage nito ngayon.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon