Kabanata 37.

1.3K 84 2
                                    

Kabanata 37.

Hindi ko alam kung dapat ko ba'ng paniwalaan ko siya o hindi. Kaming dalawa pinagkasundo na ipakasal?

Baka naman gumagawa lang siya nang kwento para pag takpan ang kasalanan niya.

Hello twenty first century na ngayon uso pa ba ang arrange marriage?

"Alden, kesa gumawa ka ng kwento umamin kana lang at matatangap ko pa!" Singhal ko sa kanya.

Dumaan ang sakit sa kanyang mata dahil sa akin sinabi.

"Hindi ako gumagawa nang kwento." Aniya. "Anong mapapala ko kung mag sisinungaling ako sayo Maine? Wala naman di ba? Sa huli parehas lang tayong masasaktan pag ginawa ko yun." Pagod niyang sabi.

Inalis ko ang mga kamay niya sa akin at staka tumayo ng maayos. "Alden, mahirap paniwalaan yung sinasabi mo na pinag kasundo tayo nang mga magulang natin." Nakatinging kung sabi sa kanya. "Unang Una, Mayaman ka at mahirap kami, anong mapapala ni Ninong kung sa akin ka niya ipag kasundo di ba?" Hindi ko inaalis ang mga tingin ko sa kanya kahit na para'ng naapekatuhan ako sa lungkot ng kanyang mga mata. "Kaya hindi mo ako masisise kung bakit hirap ako'ng paniwalaan ka." Sabi ko at staka umalis sa kanyang harapan.

Babalik na lang ako sa kwarto at magapahinga kesa makinig sa kanya

Hindi sa ayaw ko na makasal sa kanya kasi napaka impossible at bakit kailagan ilihim sa akin nang ako'ng magulang ang lahat ng ito kung totoo man ang sinasabi niya.

Dire-diretcho ako'ng nag lakad papasok ng hotel kahit alam ko'ng nakasunod siya sa akin likuran.

"Maine, pakingan mo muna kasi lahat ng sasabihin ko." Sabi niya mula sa akon likuran. "Paano mo maiintindihan ang lahat kung hindi mo pakikingan lahat ng sasabihin ko, kung panay ka pag dududa." Galit niyang sabi. "Mahirap kasi sayo, akala mo niloloko kita, sinabi ko na sayo na hindi ko magagawa yun sayo." Napahinto ako bigla ng narinig ko ang pag garagal ng kanyang boses.

Humarap ako sa kanya para Sana sigawan siya but his bloodshot eyes caught my attention, lalo ako'ng nasaktan dahil sa akin nakita.

Ganun ba ako ka selfish na lagi na lang sarili ko'ng sakit ang akin iniisip? Masyado ako'ng natuon sa akin sarili without knowing na hindi lang ako nasasaktan kung hindi siya.

Alam ko at nararamdaman ko na mahal ako ni Alden pero bakit hirap ako paniwalaan ang kanyang sinasabi na pagpapakasal? Dahil ba natatakot ako sa katotohanan o dahil sa pinag lihiman ako ng akin mga magulang?

Paano ko nga ba malalaman at maiintindihan ang lahat ng sinasabi niya kung hindi ko pakikingan ang kanyang sasabihin.

Pumasok ako sa akin kwarto at staka iminuwestra ko sa kanya na pumasok din.

Umupo ako sa dulo ng Kama at siya naman lumuhod sa akin harapan habang hawak ang akin dalawang kamay.

Naka yuko ako habang tinitignan ang amin kamay n mag kahawak.

Iniangat niya ang akin baba gamit ang hintuturo para magtama ang amin mga mata. "Baby, Sorry kung hindi ko kagad nasabi sayo ang lahat." Panimula niya. "Sasabihin ko naman sana sayo nung una kaso lagi na lang naantala." Dagdag niya.

"Paano nangyare ang sinasabi mo Alden." Mahina ko'ng sabi.

Bumuntong hininga siya.

"Matagal na tayong pinag kasundo ng mga magulang natin, nalaman ko na lang yun nung nag bakasyon ako sa batangas noon." Aniya. "Siempre tumutol ako sa kagustuhan ni Daddy lalo na nung nalaman ko na ikaw yun ipapakasal niya sa akin. Napaka bata mo pa at nung mga panahon na yun wala sa isip ko ang mag pakasal. Kaya ginawa ko ang lahat para di tayo ipagkasundo kaso habang lumilipas ang mga araw lalo tayong napapalapit sa isa't isa at nakikilala kita, lalo ako'ng nahihirapan mag desisyon." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. "Lalo na nung bigla kang umamin sa akin na may gusto ka sakin. Lalo ako'ng nahirapan na tangihan si Daddy." Nakangiti niyang sabi kahit malungkot pa din ang mga mata.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. "Paano'ng nahirapan kang tangihan si Ninong Edi ba nga binasted muna ako noon." Sabi ko sa kanyang.

Pinisil niya ang akin kamay. "Ginawa ko yun hindi para sa akin kundi para sayo, napaka bata mo pa noon at marami ka pang pwedeng magustuhan." Paliwanag niya. "Kaso sa tuwing iniisip ko na sa iba ka na magkakagusto at hindi na sa akin nakakaramdam ako ng sakit dito." Turo niya sa kanyang puso. "Pero iniisip ko na lang kung talagang gusto mo ako, magiging loyal ka sa akin." Mayabang niyang sabi. "Staka kailagan ko din pag isipan ang lahat hindi ganun kadaling mag desisyon lalo na't kasal ang usapan." Nakangiti niyang sabi.

May punto rin naman siya na masyado pa kaming bata nung mga panahom na yun, baka kung ako ang nasa posisyon niya at sabihin bigla sa akin na may papakasalan ako At yung tao na pakakasalan ko hindi ko pa gusto baka nag layas na ako.

"Bakit mo ako pinaasa nung muli tayong nag kita? Dahil ba ayaw mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Dinala niya sa kanyang labi ang akin mga kamay.

Matagal niya to'ng hinalikan at pagkatapos nun ay inilagay ulit sa kin kandungan.

"Sorry kung sinaktan kita nun, pero wala ako'ng choice." Malungkot niyang sabi. "Hindi porket ginawa ko sayo yun ibig sabihin ayaw ko mag pakasal sayo. Gusto na kita noon pa ma..."

"Gusto mo ako pero may iba kang babaeng kasama sa apartment nung nagkita tayo ulit!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla ako'ng nag salita.

Tumayo siya at lumipat sa akin tabi.

"Wala ako'ng iba."Depensa niya."Sa sobrang kalasingan ko kasi nung gabi'ng yun napagkamalan ko siya na ikaw."Dagdag niya.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.

"Siraulo ka talaga Alden, kahit ano pang sabihin mo, ang point ko nag dala ka pa rin ng babae sa apartment ko!" Inis ko'ng sabi sa kanya.

"Sorry na." Natatawa niyang sabi.

Inirapa ko lang siya.

Nakakainis huli na lulusot pa at idadahilan pa ang kalasingan niya.

"Siguro kaya mo din ako pinaasa noon dahil sa may ibang babae ka?" Para ko'ng bata na tanong sa kanya.

Tumawa siya at pinisil ang akin ilong

Masaman ko siyang tinitigan pero lalo siyang tumawa.

"Wala ako'ng ibang babae. Nung nalaman kasi ng mga magulang natin na may relasyon na tayo nun, pinauwi ako ni Daddy sa batangas para kausapin. Nagalit siya kasi baka daw saktan lang daw kita at hiniling din ng mga magulang mo na patapusin ka muna ng pag aaral bago kita ligawan at suyuin." Sersyoso niyang sabi. "Ayaw ko talagang hiwalayan ka, sa katunayan kinausap ko din ang magulang mo at nangako ako na hindi kita sasaktan at hihintayin kita makatapos sa pag aaral bago tayo mag pakasal kaso ayaw talaga nila." Panibagong sakit ang dumaan sa kanyang mga mata.

"Bakit naman kailagan gawin nila Nanay yun? Hindi naman porket may relasyon tayo ibig sabihin nun mapapabayaan ko na pag aaral ko." Nag tataka ko'ng sabi.

Nagpakawala siya ng isang pang buntong hininga.

"Alam kasi nang magulang mo na matagal mo na ako'ng gusto, natatakot sila na baka saktan lang kita at dahil dun hindi ka maka pag focus sa pag aaral mo." Sagot niya sa akin.

Pero anong nangyare nasaktan din ako pero ginamit ko ang sugat na yun bilang isang inspiration para maka pag tapos ako

"Kaya sa huli mas pinili ko na, saktan ka, kahit masakit para sa akin."Malungkot niyang sabi. "Pinag pasa Dios ko na lang lahat. Gabi gabi pinag dadasal ko na sana habang hinihintay kita wala'ng ibang lalaki na aaligid sayo at wala kang ibang magugustuhan kundi ako lang. Para pag graduate kana at may trabaho na, pwede na ulit kitang palikan kahit alam ko na malabo ang tyansa ko na maging tayong dalawa ulit, susubukan ko pa rin. Kasi mahal kita."  Nakangiti niyang sabi.

He sacrificed his own happiness for me, para makapag tapos ako ng pag aaral. Akala ko ng mga panahon na yun kaya niya ginawa yun dahil may iba siya yun pala iniisip niya lang ako at ang akin pamilya.

Sa ilang taon akala ko kaya niya ginawa yun dahil hindi niya ko gusto, yun pala ginawa niya yun dahil sa pakiusap nang akin magulang, kung tutuusin pwede niya naman to wag sundin pero hindi, nirespeto niya ang hiling nila Nanay at sa huli hinintay at binalikan niya ako.

Chasing Waves. (Completed.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon