Mula siguro ng magpahatid si Dennise kay Ella sa istasyon ng bus ay hindi na mawala ang pagkainis niya.. sa ano mang dahilan ay hindi nya alam.. dahil ba sa sobrang agap nyang nagising at hanggang ngayon ay wala pa sya sa kalahati ng kanyang pupuntahan.
Hindi nya alam na ganun pala ka traffic napasandal sya at tiningnan ang relo.
Alam nyang gagabihin sya ng dating sa San Lorenso.
Hindi nanya napigilan ang sarili at nagtanong na sa kondortor na malapit sa kinauupuan nya.
Mga anung oras po tayo makakarating sa San Gabriel? - tanong ni Dennise dito.
Ito lang kasi ang tinitigilan ng bus ta kakailanganin panyang sumakay ng tricycle patungo sa san Lorenso.
Pasado alas tres pa siguro Miss naflatan kasi magpapalit pa tayo ng gulong - wika nito.
Gusto man nyang magalit ay mas pinilit nyang payapain ang sarili at pumikit.
Ganun ba talaga sya kamalas ngayong araw?
Makalipas ang higit kalahating oras bago pa muling tumakbo ang bus na sinasakyan nya.
Nakahinga sya ng maluwag ng wala na masyadong traffic sa daan at deredertsyo na ang takbo ng sasakyan.
Menos sais bago mag alas kwatro ay nakarating sya sa San Gabriel.
Lumakad sya patungo sa paradahan ng tricycle .
Kuya naghahatid po ba kayo patungo sa San Lorenso? - tanong niya sa unang nakaparada....
Nako Miss. Hindi doon ang ruta namin. Pero kung gusto mo ihahatid kita doble ngalang ang halaga dahil wala na masyadong naghahatid na sasakyan doon - ngiti ng driver sakanya..
Sige po salamat. - sagot niya at sumampa na sa tricycle.
Huminga sya ng malalim at tinanaw ang dinaraanan nagbalik sakanyang alaala ng sila ay bata pa ni Justine ng madaanan nila ang abandonadong playground na noo'y syang pinaglalaruan nila.
Mga masasayang araw na akala nyay hindi na matatapos. Pero isa lang palang panaginip na pinaranas sa kanila iyon.
Luminga linga pasya at kita nyang walang pinagbago ang lugar liban nalmang sa mga abandonado nitong mga kabahayan ..
Kumukulimlim Miss baka abutin tayo ng malakas na ulan.. - wika sakanya ng driver na hindi maitago ang paulit ulit na pagsulyap sakanya sa salamin ng sasakyan.
Balikan nalang po Manong may hahanapin lang po ako sa dati naming bahay at aalis nadin. Intayin nyo napo ako at magbabayad ako kahit magkano - wika niya dito.
Mahigit kalahating oras ng makarating sya sa tapat ng kanilang bahay noon.
Hindi paman sya nakakahakbang sa gate na puno na ng kalawang ay may pumatak na na luha sakanya.
Dinya lubos maisip na babalik sya sa lugar na iyon.. pero bakit ngaba hindi? Yun nalamang ang natitirang magandang alaala nya na buo pa ang kanilang pamilya.
Pagbukas nya sa gate ay hindi maitatanggi ang pagkalumang tunog nito. Dagdag mopa ang mga tuyong dahon na kanyang naaapakan.
Dumeretsyo sya sa pinto.. at may kinapang susi sa may halamanan.
Saglit na may sumilay na ngiti sakanya.
BINABASA MO ANG
Get her back (YDH book2)
FanfictionPaglipas ba ng panahon kasabay nun na matatabunan lahat ng sakit.. galit at pagmamahal? or mas titindi lang lahat ng yan? Pano kung ikaw naman ang may ayaw at si Tadhana naman ang may gusto? susundin mo basya.. or you'll do everything to stop it? Wi...