Ilang beses nagpabiling biling si Dennise sa pagkakahiga bago nagpasyang tumayo nalang.
Inabot nya ang orasan sa harapan nya.
3:00 am at still di padin sya dalawin ng antok
Mula kasi ng matapos silang magusap ni Mela tungkol dun sa sinabi sakanya ni Alyssa at kung pano napunta dito ang kontrata ay hindi na sya nagtaka.
Kaya pala sya hinahamon ng kapatid na kung mapasakamay nya ito ay pupunitin nya sa harap mismo ni Alyssa.
Hinawi nya ang kurtina na tuluyang nagpatuloy sa liwanag ng buwan na nagbabadyang magtago sa ulap..
She sigh..
Buong pagaasam na tiningnan nya ang cellphone umaasa na baka may text manalang or call si Alyssa..
Na baka may sasabihin ito.. o babawiin nito ang tinuran na nagkamaling minahal sya.
Pero wala..
Siguro nga ay napagod na ito na intindihin sya.
Then she think again..
Magiging masaya ba sya pag nakuha nya dito ang kontrata? Or worst. Makakaya ba nyang punitin ito sa harap ni Alyssa.
Can i be happy kahit ngayon lang? Pwede kobang piliin ang sinasabi ng puso ko kahit sa mga oras lang na ito?
Mga katanungan sa kanyang isipan habang tahimik na pinagmamasdan ang huling pagkislap ng mga bituin na para bang nakikinig sa kanyang mga hinaing bago tuluyang ikubli ng ulan.
Muli nyang hinawi ang kurtina para isara ito subalit bago pa tuluyang maisara.. may naaninag sya sa tarangkahan.
Malabo ang matang tinitigan nya ito..
Panong bigla syang kinabahan at hindi nya alam ang magiging reaksyon.
Alyssa.. - hindi makapaniwalanh bulong nya.
Hindi manya maaninag ang muka nito eh sigurado sya na si Alyssa iyon.. bukod sa sasakyan nito. Ay ganun padin ang suot nito ng huli silang nagusap kanina.
Kinuha nya ng jacket nya at sinuot.
Madalang ang pagpatak ng ulan at rinig nya iyon.
Ganun ba sya kalakas sa mga bituin para matupad ng ganung kabilis ang kanyang hinihiling.
Mabilis syang bumaba iniwasan ang pagyabag para hindi marinig .
Marahan nyang binuksan ang gate.
Hindi sya nagkamali.. dahil bumungad sa kanya ang nakasandal na si Alyssa sa sasakyan nito.
What are you doing? Kanina kapaba dito? Basang basa kana. - alala syang lumapit ..
Kaninang malakas ang buhos ng ulan ay natitiyak nyang ito ang dahilan ng pagkabasa nito.
Gusto kong manatili dito.. bago tuluyang magumaga at ibigay ang kalayaan mo - cold na sagot nito sakanya na deretsyong nakatingin sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Get her back (YDH book2)
FanfictionPaglipas ba ng panahon kasabay nun na matatabunan lahat ng sakit.. galit at pagmamahal? or mas titindi lang lahat ng yan? Pano kung ikaw naman ang may ayaw at si Tadhana naman ang may gusto? susundin mo basya.. or you'll do everything to stop it? Wi...