Missed Chances - 2

18 0 0
                                    

Hanggang paguwi hindi nawala sa isip ko yung nangyari kanina. Gaya ng dati, palihim na nagtatalon ang puso ko sa tuwa pero pagkatapos nun naalala ko na hanggang dun na lang pala talaga kami.

Hanggang dun na nga lang ba talaga?

Nahiga ako sa kama ko at tumingala. Para akong baliw na abot tenga ang ngiti dahil sa nakikita ko. Naalala ko nanaman yung gabi na dinikit namin ang mga pictures na ito.
~~

Grade 6 kami nang maisipan naming disenyuhan ang kwarto ko. Napagdiskitahan namin ang lumang magazine nila Mama. Bestfriends ang mga mama namin kaya pati kami naging bestfriends na din. Simula nang magkamalay ako anjan na siya sa buhay ko. Sobrang gusto nila yung loveteam nila Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Kaya dun nila kinuha ang pangalan namin.

Ginupit namin ang picture nila mula sa magazine at ginaya namin ang pose nila at nagpakuha ng picture. Prinit namin iyon at napagdesisyunan naming idikit ang picture namin at yung picture nila sa kisame ng mga kwarto namin para mapasaya kami kapag pagod kami galing eskwelahan.

Nasa kisame pa kaya niya ang picture namin na ito?

Natigil ako sa pag mu-muni muni ko ng biglang mag vibrate ang cellphone sa tabi ko. May notification pala sa messenger ko. Nag message pala si Chloe.

"Uy! Nakita mo na ba?!"
"Ang alin?"
"Wait! Screenshot ko send ko sayo."

Naghintay ako sa reply niya. Maya maya pa ay nareceive ko na yung picture na sinend niya.

"Ayan oh! Nakita mo na? Alam mo ba yan?"
"Wala akong makita. Naka free data lang ako."
"NAKAKAINIS KA! Mag connect ka kasi sa wifi!"

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Kinatok ko ang pinto ng kwarto ng bunso kong kapatid.

"Tonet! Pa connect naman sa wifi mo oh. May sinend kasi si Chloe hindi ko makita."
"Kainis naman to si Ate eh! Wala ka ngang ambag sa load nito!"
"Saglit lang to promise."

Padabog na kinuha ni Tonet ang cellphone ko para i connect sa pocket wifi niya. Nang ibalik niya ang cellphone ko agad akong nag pasalamat at bumalik sa kwarto ko.

Dali dali kong binuksan ang message ni Chloe. Ilang minuto pa ay nag load din sa wakas ang picture na sinend niya.

Sana pala hindi ko na lang pinilit na makita pa kung ano man yon. Edi sana walang luha na tumutulo sa mga mata ko ngayon.

Marvin Guzman is in a relationship with Camille Manzano.

Missed Chances (Short Story)Where stories live. Discover now