Missed Chances - 5

11 0 0
                                    

Hila hila ako ni Chloe papasok kila Aling Sonia. Habang papalapit kami pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko sa mga paa ko. Para akong nakasuot ng iron shoes. Hindi ko rin maexplain kung anong nararamdaman ko. Halong excitement at kaba. Para akong ewan.

Nangmakapasok kami ay naupo kami ni Chloe sa bakanteng upuan. Nasa tapat ko si Marvin. Parang makakawala ang puso ko sa sobrang kabog nito. Nang makumpleto na kami ay nagsimula na silang mag inuman. Pinagmamasdan ko siya. Hindi ko mabasa ang expression niya. Galit ba siya? Malungkot ba? Nasasaktan kaya siya?

Pinasahan ako ng isang bote ng San Mig. Hinawakan ko lang yon at pinagmasdan. Marahil ay napansin ni Marvin na nakatingin lamang ako sa bote ng San Mig kaya niya ako tinanong.

"Oh bakit hindi ka pa umiinom Joleng?"

Sa simpleng pagbangit niya sa pangalan ko ay parang may nag pa-party sa dibdib ko.

"Mamaya na lang. May sasabihin din kasi ako. Ayokong isipin mo na nasabi ko yun dahil lasing ako."

Nagtinginan ang iba pa naming kaibigan. Alam nilang lahat. Highschool pa lang alam na nilang lahat na may gusto ako kay Marvin. Dahil mabubuti silang kaibigan hindi naman nila ako binuking. Gusto nila ako mismo ang mag sabi sakanya.

"Ayos ah. Ako din may sasabihin din ako. Pero ikaw na muna. Ladies first."

Bigla akong natawa sa sinabi niya. Kahit papano nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Ladies first mong mukha mo! As if naman inaapply mo saakin yang kasabihan na yan. Sige na ikaw na mauna."

Tinignan ako ni Chloe ng masama. Pasimple siyang lumapit at bumulong.

"Ano bang ginagawa mo ha Jolina? Ikaw na mauna ano ba. Romance to hoy hindi thriller kaya wag kang pasuspense jan!"

"Malay mo naman siya na mauuna umamin diba? Tsaka aamin din ako pagkatapos okay?"

Lumayo siya saakin at naghintay kami sa sasabihin ni Marvin. May kinalikot siya sa phone niya bago siya huminga ng malalim. Tila nag iipon ng lakas ng loob para sa sasabihin niya.

"Guys naalala niyo ba yung kwento ko sainyo tungkol saamin ni Camille?"

Walang umimik saamin. Tumango lamang kami sakanya.

"Sa loob ng isang taon mas lalo ko pa siyang nakilala. Hindi ko lubos akalain na kaya ko palang maging stick to one. Yung tipong siya lang yung tanging nakikita kong babae. Kaya kahit sinasabi ng iba na masyado pang maaga at kulang pa ang isang taon naming pagsasama ay niyaya ko siyang magpakasal and she said yes!"

Abot tenga ang ngiti ni Marvin nang iharap saamin ang picture nila ni Camille habang nakataas ang kamay nitong may singsing.

Missed Chances (Short Story)Where stories live. Discover now