Hindi na ako ng reply pa kay Chloe. Bukod kasi sa nadisconnect ko ng di sinasadya ay ayoko lang din talagang mag react online tutal bukas sigurado naman ako na eto parin ang pag chi-chismisan namin. Simula noong nag ka girlfriend siya nung highschool eto na ang naging routine ko. Iku-kwento saakin ni Chloe na may girlfriend na siya, iiyak at mag mumukmok ako and then I will let go. Hindi naman kasi sila nag tatagal ng mga nagiging girlfriend niya. Ewan ko ba kung bakit. Baka hindi sila compatible? O baka naman hinihintay niya lang na umamin din ako? Asa ka pa Jolina.
Pagpasok ko agad na lumapit saakin si Chloe.
"Oh ano kamusta ka naman? Ilang oras kang umiyak?"
Sa sobrang dalas nitong mangyari nasanay na saakin si Chloe.
"3 hours I guess? Nakatulog ako kakaiyak tapos pagod na pagod pa ako. Kaya hindi ko na nabilang."
"Sa tingin mo Joleng ilang buwan kaya sila magtatagal?"
"Ewan ko. Parang inalababo yung kaibigan mo eh."Parang ang sama ko namang kaibigan pag hiniling ko na sana hindi sila magtagal.
"Umamin ka na kasi Joleng. Malay mo naman ikaw lang pala hinihintay niya diba?"
"Oh eh paano kung hindi? Edi ako pa yung na basted? Tsaka alam mo namang hindi ko kayang umamin sakanya. Hindi ko ata kaya kapag nagkasira kami nun."
Bumuntong hininga si Chloe. Alam niya kasi na kahit anong pilit niya eh hindi ko naman kayang gawin talaga.
"Hayaan mo na. Bukas o makalawa mag tetext yan. Magyayaya uminom kasi break na sila."
Natawa ako sa sinabi ni Chloe. Kahit siya eh tawang tawa sa nasabi niya.
"Kaloka ha! Ang bad ko dun. Pero truths naman eh. Wala pa naman siyang nagiging jowa na pang matagalan. Pero eto Joleng ha. Kapag nagyaya si Marvin na may inuman aamin ka na! Ang tanda na natin oh. Wag ka nang pabebe at umamin ka na din. Ano deal?"
Napaisip ako sa sinabi ni Chloe. Umamin na kaya ako? Okay lang naman siguro... diba?
"Ano na teh? Hindi ka parin makapagdecide? For your info ayon dun sa nabasa ko ang crush daw dapat hindi lalagpas sa 7 months. Eh ikaw 10 years ka nang may gusto dun! Aba hindi na yan crush no! Love na yan."
Aamin na ba talaga ako? Kaya ko na ba talaga?
"Dali na teh! Bilangan kita ha. One ... Two ..."
"Oo na oo na. Deal."
YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?