Ilang linggo na ang nakalipas. Wala parin nagbabago saamin ni Marvin. Para sakanya ako parin si Jolina na bestfriend niya. Pero para saakin siya yung pangarap na tuluyan nang nawala.
Dahil sa ako yung 'bestwoman' niya, tumutulong ako sa pag hahanda para sa wedding niya. Andito ako ngayon sa kwarto niya. Nalungkot ako ng makita kong wala na yung picture sa kisame niya. Hindi ko na pinahalata na disappointed ako. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng childhood pictures niya na gagamitin para sa avp nila. Sa bawat picture may alala kaming dalawa.
Alaalang mananatiling alala na lamang.
Sa loob ng 10 taon na tinago ko sakanya yung feelings ko na master ko na rin yata ang pag pretend na okay lang ako. Kahit na kanina pa ako naiiyak ni isang luha walang bumabagsak. Talent ko na talaga yata to.
"Joleng tignan mo to!"
Lumapit ako sakanya. Picture yon nung thirdyear prom namin. Kahit kasi may girlfriend siya noon, hindi siya pumapayag na wala kaming picture kapag prom.
"Alam mo ba Joleng, akala ko noon ikaw na magiging asawa ko. Crush kita noon eh."
Napatingin ako sakanya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Feeling ko masisira na ribcage ko. Crush niya din ako noon? Kailan pa? Bakit hindi niya sinabi? Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko kaya nag patuloy siya.
"Pero na realize ko na siguro naging crush kita kasi ikaw lagi kong kasama. Tsaka alam ko naman na hindi mo ako type. Na kapatid lang turing mo saakin parang kuya ako tapos ikaw naman little sister ko. Nung nagkagirlfriend ako dun ko mas napatunayan na mas okay na bestfriends tayo. Happy lang. Walang breakup."
Ngumiti siya saakin. Pinilit kong ngumiti at marahan siyang hinampas.
"Sabi ko na nga ba crush mo ako eh. Anong meron at napa amin ka?"
Natawa siya sa sinabi ko. Parang gusto nang bumigay ng mga mata ko. Gustong gusto ko nang umiyak.
"Shempre kasi honest akong tao tsaka bestfriend kita. Dapat alam mo to. Ayoko namang dumating sa point na hindi ko man lang nasabi sayo na naging crush kita."
Nagpatuloy kami sa ginagawa namin. Tila wala ako sa sarili ko pero ginagawa ko parin ang best ko na ngumiti. Ayokong makita niya akong malungkot. Mabuti pa siya naamin na niya saakin. Eh ako kaya, kailan ko masasabi sakanya na...
"Mahal kita. Noon pa."
YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?