Mag iisang taon na nang nagkagirlfriend si Marvin pero hindi parin siya nagyayaya ng inuman. Ibig sabihin ay sila parin. Eto na yata ang pinaka matagal niyang relasyon. Kinukulit na ako ni Chloe na umamin na pero hindi ko parin ginagawa may deal kami at susundin ko yon.
Patapos na ang shift namin ni Chloe. Eleven na sa gabi kaya naman tahimik na sa opisina. Halos mawala ang kaluluwa ko ng biglang mapasigaw at biglang tumayo si Chloe. Nag sorry naman siya sa iba naming kasama na halatang nagulat din. Pangiti ngiti siyang lumapit saakin.
"Pa bida ka din no? Anong meron at may pa sigaw sigaw ka pa jan?"
Impit na tumili si Chloe at iniharap saakin ang cellphone niya para mabasa ko ang message sa group chat.
Guys. Kita kits tayo mamayang alas dose. Kila Aling Sonia ulit. Sagot ko. May kailangan lang akong sabihin. Importante to kaya dapat kumpleto kayo.
Kumabog ng pagkalakas lakas ang puso ko. Naguilty naman ako bigla. Para kasing ang sama kong kaibigan para isipin na break na sila ng jowa niya at the same time sobra akong kinakabahan. Siya yung may sasabihing importante pero bakit parang mas kabado ako? Duda ata ako sa sarili ko kung magagawa ko yung deal naming dalawa.
"Magayos ka mamaya okay?! Halos isang taon din nating hinintay tong klaseng message niya kaya ayusin mo ha!"
Napansin siguro niya na wala parin akong imik. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
"Oh eh ba't nakabusangot ka jan?"
"Para kasing ang sama sama natin. Kung talagang nagbreak yung dalawa mali naman ata na magdiwang pa tayo. For sure nasaktan din yun."Hinawakan ni Chloe ang mga kamay ko.
"I know. Pero baka naman eto na yung sign ng universe na kayo talaga ang may happy ending diba?"
"Kinakabahan ako Chloe. Hindi ko yata kaya."
"Wag kang kakabahan okay? Kayang kaya mo naman sabihin yan eh. And I think it's time. Halos 10 years na yang secret crush mo! Ano ka highschool? Kaya let's go!"
Kaya ko ba talaga to?

YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?