Missed Chances - After the Wedding (Special Chapter)

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng program ay nag party party kaming lahat. Yung mga matatandang bisita ay nag si uwian na. Halos kami na lang ang natitira. Nagtatawanan at nagiinuman kaming lahat. Medyo umeepekto na saakin yung alak kaya nag paalam ako para pumunta ng restroom.

Dahil blurry na ang paningin ko natapilok ako. Ready na sana akong matumba pero may sumalo saakin. Hindi ko siya kilala pero infairness gwapo siya kahit pa blurr ang paningin ko. Pinilit kong tumayo pero imbis na makatayo ako ay natumba kaming dalawa. Tinulungan niya akong bumangon patayo. Hilong hilo na ako.

"I think you need to go home now. You're wasted."

Naloka ako bigla. English speaking. Sino kaya to?

"Okay lang ako. I can still manage. Medyo blurr lang paningin ko."

Sumasakit na rin ang ulo ko. Dumiretso na ako sa restroom. Nang matapos ako hindi ko akalain na andun parin siya. Si Mr. English Speaking guy. Hindi ko na sana siya pinansin pero nang matutumba na ako kay inalalayan niya akong muli.

Naupo kami sa isang bench sa labas ng hotel. Ang lamig ng hangin pero ang sarap sa feeling. Napatingin ako sa lalaking katabi ko.

Hindi ko man maaninag ng mabuti ang mukha niya pero alam kong gwapo siya. May salamin parang si Superman. Dala siguro ng kalasingan ay na-a-attract ako sakanya. O baka naman likas na gwapo siya?

Pinilit kong tumayo para bumalik sa loob nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sakanya. Dahil nga medyo lasing na ako, nahihilo at inaantok na ay na outbalance ako papalapit sakanya. Napapikit na lang ako. Parang may kung anong malambot na nakadikit sa lips ko. Gustuhin ko man imulat ang mga mata ko para tignan kung ano yun ay hindi ko na nagawa kaya naman hinayaan ko na lang. Then everything went black.

Missed Chances (Short Story)Where stories live. Discover now