Today is the day. Wala nang atrasan pa. It's now or never Jolina!
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Kaya mo yan! Kayang kaya mo yan okay! Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.
Parang slow motion nilang binuksan ang pinto...
Habang naglalakad ako papunta sa unahan ay napaisip ako.
"Bakit ko ba to ginagawa? Alam ko namang mas masasaktan lang ako."
Sa sobrang pagiisip ko ng sagot sa tanong ng utak ko ay hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako. Naglakad ako papunta sa pwesto ko sa gilid at humarap sa direksyon ng pinto.
Unti unting binuksan ang pinto at naglakad siya paunahan. Ang laki ng ngiti niya at hindi maikakailang masayang masaya siya ngayon. Sa tagal naming magkaibigan ngayon ko lang siya nakitang ganon kasaya. Doon ko naisip ang sagot sa tanong ng utak ko kanina.
"Kasi alam ko na eto ang makakapagpasaya sakanya. At wala akong ibang hangad kundi ang maging maligaya siya."
Pag dating niya sa harap ay ngumiti siya saakin. Naiiyak man ay ngumiti parin ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong.
"Masaya ako para sayo Marvin. Deserve mo to."
Kumalas ako sa pagkakayakap at marahang pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Darating din yung para sayo Jolina. At pag dumating din ang araw na iyon lagi mong tatandaan na ako ang magiging pinakamasayang tao para sayo."
~~
Sobrang bilis lang ng pangyayari. Siguro tama sila. Kapag masaya ka hindi mo namamalayan ang oras. Alas 6 na ng gabi nang makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception. Nang makaupo na ang lahat ay sinerve na ang pagkain. Nagsimula na rin ang short program para sa newlyweds na sina Mr. and Mrs Marvin and Camille Guzman.Ilang sandali pa ay tinawag na ako ng emcee. Bilang bestwoman ng groom ay kailangan ko magbigay ng message para sa mag asawa.
to be continued on part two...

YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?