*1 month before the wedding...
Nung gabing natangal ko ang pictures namin ni Marvin sa kisame ay ang gabing na realize ko kung ano ang dapat kong gawin.
Ilang ulit din akong nagtype sa group chat namin pero ilang ulit ko rin yung binura. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko o kung kaya ko ba talagang gawin to.
"Bukas 7pm. Kila Aling Sonia. Dapat kumpleto kayo. Marvin isama mo si Camille. May sasabihin akong importante. Dapat andun kayong lahat. Libre ko to."
Halos 30 mins na tong nakatype sa groupchat pero wala akong lakas ng loob para isend. Isa isa na silang nag lo-log out pero hindi ko parin ma send. Nilagay ko ang kamay ko malapit sa may send button. Isesend ko na ba talaga to?
Nataranta ako nang may kumalabog may pinto ko. Nabitawan ko ang cellphone ko sa kama at agad na binuksan ang pinto. Si tonet pala.
"Oh tonet! Anong nangyari?" Buong pag alala kong tanong.
"Malapit na mag expire yung load nitong wifi. Pahingi naman Ate ng pang load oh. Tutal nakiki connect ka naman. Baka kasi hindi ko matapos tong pinapanood ko."
Gustong gusto kong hampasin ng walis si Tonet. Akala ko kung anong emergency eh. Bwisit. Kinuha ko ang wallet ko at inabutan ko siya ng 50 pesos.
Pag balik ko sa kama ko laking gulat ko nang makita kong online lahat ng kaibigan ko at sunod sunod ang message nila sa group chat.
"Aba! Mag pa inom si Joleng! Siguro may jowa na to!" Reply ni Makoy.
"Baka naman may aaminin na."
Reply naman ni Chloe.Agad akong nag scroll up kung nasend ba talaga yung message ko. Sht. Nasend nga! Maya maya pa ay nagreply din si Marvin.
"Ayan na! Mukhang may balita tong si Joleng ah! Sige pupunta kami ni Camille."
Ang tanga tanga ko talaga. Bukod sa nasend ko na ay pinasama ko pa si Camille.
Wala akong nireplyan sakanila at pinatay ko ang cellphone ko. Pumikit ako at pinilit ang sarili na makatulog.
~~
Kinabukasan ay naghanda na ako. Ginusto ko to kaya papanindigan ko to.Nang makita ko na sila sa dating pwesto ay lumapit na ako. Panay ang pang asar saakin ni Marvin ngunit tahimik ang tropa. Malamang alam nila na totohanan na to.
Naupo ako sa may tapat ni Marvin at Camille. Hindi ko kinuha ang iniabot niyang San Mig.
"Napakaseryoso naman nito ni Joleng! Oh ano na ba yung ibabalita mo ha? Bakit ka may mapainom?"
"Letting go and Moving on party ko to."
Lahat sila nakatingin saakin. Eto na talaga to. Bahala na si Batman.
"Crush kita Marvin noon pa. Ay hindi. Mahal na pala kita matagal na. Hindi ko sinabi dahil ayokong magkasira tayo. Ayokong iwasan mo ako. Siguro naging kampante din ako dahil baka gusto mo rin ako. Pero nung sinabi mong magpapakasal na kayo ni Camille alam kong tapos na. Wala na talagang pag-asa."
Tahimik silang nakikinig at nagmamasid. Gulat na gulat si Marvin at Camille.
"Nung una nasasaktan ako. Pero habang tumatagal mas naiintindihan ko na. Siguro infatuation lang iyon. Dahil simula noon tayo na ang magkasama. Siguro akala ko mahal na kita pero hindi naman pala."
Pinahid ko ang konting luha sa mga mata ko.
"I want you to be happy and I know Camille makes you happy. Masaya ako para sainyo. Totoo to promise. Pinasama ko si Camille kasi gusto ko maging honest sakanya. I'm sorry Camille."
Tumayo si Camille. Akala ko mag wo-walk out siya. Nung lumapit siya saakin akala ko sasampalin niya ako. Pero hindi, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Thank you for your honesty Jolina. I appreciate it. Imbis na itago mo ay inamin mo pa saakin. Salamat. Alam kong mabuti kang tao Jolina. And don't worry. We understand you. And in fact, alam kong gusto mo si Marvin."
Napa nganga ako sa sinabi niya.
"The way you look at him alam kong may gusto ka sakanya. Ganun ka ka-transparent Jolina. Kaya nga alam ko na nagsasabi ka ngayon ng totoo saakin."
"I'm sorry Camille. Hindi ko gustong sirain yung meron kayo."
Pinahid ni Camille ang mga luhang tumutulo sa mata ko.
"Don't be sorry. Normal lang naman na mainlove eh. And wala kang sinisira. You just made us stronger. Kasi alam ko na there is someone na kayang maging honest saakin. So stop crying Jolina okay? Friends?"
Nilahad niya ang kanyang kamay. Tinangap ko ito at ngumiti.
"Friends."
~~
YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?