Huminga ako ng malalim bago ngumiti at magsimulang ishare ang message ko.
"Mula ng magkamalay ako sa mundong ito nanjan ka na sa tabi ko. Ewan ko ba sa mga nanay natin kung bakit pinangalanan tayong Marvin at Jolina. Hindi naman natin sila kamukha."
Nagtawanan ang mga bisita. Unti unti na ring gumaan ang pakiramdam ko.
"10 years ago nung naramdaman ko na gusto pala kita. Hindi bilang bestfriend. More than bestfriend. Sobra akong natakot Marvin. Kasi hindi ko alam kung gusto mo rin ba ako kaya umabot ng sampung taon yung lihim kong pagtingin para sayo."
Nakita kong naiiyak si Marvin at si Chloe. Actually pati na rin yung iba pa naming tropa.
"Nung gabing inamin mo saamin na niyaya mong magpakasal si Camille alam ko, sure ako na totohanan na to. Yung bestfriend side ko tuwang tuwa para sayo. Pero yung isang bahagi ng puso ko nasaktan dahil alam kong tapos na. Game over na."
Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Nakita kong pati si Camille ay naluluha na rin.
"But you know what? Sa dulo mas nanaig parin yung pagmamahal ko sayo bilang bestfriend. Bilang kapatid. Naalala mo pa ba yung pangako natin sa isa't isa na pagdating ng panahon magkasama parin tayo? Tutuparin natin yon. Kasi ang bestfriends magkaramay forever. Masayang masaya ako para sainyo ni Camille. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling."
Naluluha man ay natawa na rin ang mag asawa at ang iba pang bisita.
"Camille, maswerte ka kay Marvin. Alam kong ramdam mo din kung gaano ka niya kamahal. Lagi mong tandaan na nandito ako at ang tropa para sayo. Marvin, hindi ko man nakasama ng matagal si Camille alam kong napakabuti niyang tao. Sana ay alagaan mo siya ng mabuti. Irespeto palagi at mahalin ng lubos. Dahil kung hindi. Hindi lang siya mawawala sayo kundi pati na rin ako."
Pumalakpak si Camille habang tumatawa at sumigaw naman si Marvin.
"Teka Joleng! Andaya naman nun ako kaya bestfriend mo."
Muling nagtawanan ang mga bisita.
"Shh! Manahimik ka hindi pa ako tapos. Tsaka oo nga bestfriend kita kaya bestfriend ko rin yang asawa mo. Pero seriously, masayang masaya ako para sainyo. Sa susunod ako naman ang makakahanap ng happy beginning ko."
Tumayo ang mag asawa at niyakap ako. Mahigpit na yakap ang natangap ko mula kay Camille.
"Thank you for understanding me Camille."
"Thank you for being so brave and honest Jolina. Hindi biro ang umamin sa taong gusto mo. Pero mas hindi biro na umamin kasama ang taong mahal niya. And for that napabilib mo ako. Atleast ngayon sigurado akong may isang taong palaging anjan para saamin."
~~
Habang nag so-slow dance ang mag asawa ay panay ang kuha ko ng pictures. Hindi ko napansin ang pag upo ni Chloe sa tabi ko."Proud ako sayo Joleng. Kasi sa dami dami ng options mo sa loob ng 10 taon yung tama parin ang napili mo."
"Naalala mo yung sinabi ko na natatakot ako kasi baka mawalan ako ng kaibigan? Opposite nun yung nangyari because I gained another good friend."
Niyakap ako ni Chloe. Lalong gumaan ang pakiramdam ko.
"Tapos na yung chapter na to ng buhay ko. Sa susunod ako naman yung magku-kwento ng happy beginning ko."
YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?