Walang tigil ang pag buhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung saan pa kumukuha ng luha ang mga mata ko. Parang hindi maubos eh.
Magdamag akong umiyak habang nakatingala sa picture namin. Ilang ulit ko nang inutusan ang sarili ko na tangalin ang picture namin pero hindi ko naman magawa. Ang sakit sakit pala ma reject. Hindi man niya ako harap harapang nireject pero ganon na rin yun.
Hindi ko akalain na magpapakasal na si Marvin. Hindi siya yung tipong seryoso kaya naging kampante ako na baka mamaya ay tulad lang ito sa dati niyang mga relasyon. Pero mali pala ako.
Kanina pa tumatawag at nag titext si Chloe at si Marvin. Nang nagkalakas loob ako para basahin ang mga message nila ay nag simula akong mag reply. Inuna ko na si Marvin.
"Joleng asan ka na ba?! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi ka sumasagot! Pati dito sa text wala kang reply. Ano ba. Okay ka lang ba?"
Hindi ako okay Marvin. Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay o kung magiging okay pa ba ako.
Yan ang gusto kong ireply sakanya pero binura ko iyon at pinalitan.
"Sorry Vinvin. Hindi ko napansin cellphone ko nakatulog kasi ako agad. I'm home and I'm safe."
Sunod kong binasa ang text messages ni Chloe.
"Joleng where are you!? Okay ka lang ba?"
"Pick up the phone Joleng ano ba? You're making me worried sick!"
"Just call me when this messages reaches to you okay?"
Hindi ko nanaman napigilan at naluha nanaman akong muli. Hinanap ko ang pangalan ni Chloe sa contacts ko at tinawagan ko siya. It's 3 in the morning. Hindi ko alam kung magkakasama pa sila o kung kanya kanya na silang umuwi.
After 4 rings she picked it up.
"Finally! My God Jolina! Kanina pa kita tinetext at tinatawagan! Nag aalala na ako sayo!"
Narinig kong huminga siya ng malalim Maybe it's a sigh of relief since na contact na niya ako.
"Chloe..."
YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
ContoLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?