Sana pala ako na lang nauna. Pero kung nauna ako may magbabago ba? Wala rin lang naman diba?
Nawalan ako ng lakas nang makita ko ang picture nila. Lalo akong nanghina nung nakita ko kung gaano siya kasaya.
Hinawakan ni Chloe ang kamay ko. Daig ko pa ang pinasok sa freezer sa sobrang lamig ng mga kamay ko. Matagal bago makarecover ang tropa. Lahat sila nakatingin saakin. Tila hindi naman iyon ni Marvin napansin.
"Oh ano pa hinihintay natin? Cheers!"
Itinaas ko ang bote ko at nilagok iyon na para bang energy drink. Sa sobrang manhid ng pakiramdam ko hindi ko nalasahan ang flavor ng inumin ko.
"Dahan dahan naman sa pag inom Joleng. Uhaw lang? Tsaka teka diba ikaw may sasabihin ka din?"
Tumingin ako kay Chloe. Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko to kayang gawin.
"Ah wala yon! Nakalimutan ko na sa sobrang excitement dahil sa announcement mo."
Ngumiti muli si Marvin. Normally pinipilit pa niya ako na sabihin kung ano man iyong dapat kong sasabihin pero siguro sa sobrang tuwa niya ay hindi na niya ako kinulit. Hindi ko na yata kaya to. Tutulo na yata ng tuluyan ang mga luha ko. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at tinakpan ang bibig ko. Kunwari akong bumahing ng mga tatlong beses para hindi halata ang mga luha sa mata ko.
"Kaloka! Ano ba yan. Sinisipon nanaman ako. Uy guys mauna na ako ha? Ang kati kasi ng ilong ko. Ang sakit pa ng ulo ko."
Pati ng puso ko. Gusto ko yung idagdag pero wag na lang.
"Napano ka? Okay la lang ba? Tara na. Hatid na kita Joleng." Patayo na sana siya ng pigilan ko.
"Wag na Vin! Okay lang ako kaya ko naman mag isa. Tska sanay naman na ako."
"Asus humugot pa. Oh siya itext mo ako pag nakauwi ka na ha!"
Tumango tango ako at dali daling pumunta sa pinto ng tawagin niya ako
"Joleng! Nakausap ko nga pala si Camille. Sabi ko ikaw ang kukunin kong best woman. Tutal ikaw naman talaga ang bestfriend ko. Okay lang ba sayo?"
Lalong kumirot ang puso ko. Kailangan ko na talagang makaalis pa dito. Dahil konting oras na lang at sasabog na ng mga luhang pilit kong pinipigilan.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Para sakanya. Para sa bestfriend ko.
"Oo ba. Ikaw pa malakas ka sakin eh."

YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Short StoryLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?