Missed Chances - 9

9 0 0
                                    

Pagkauwi ko agad kong tinext si Chloe na pumunta dito sa bahay. After 2 hours dumating siya. May dala dala siyang pizza at beer. Sabi ko kasi sakanya mag mo-movie marathon kami. Parte ng pag mo-move on ko sa relasyong hindi naman nangyari. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto agad na nabura ang ngiti sa kanyang mga mukha.

"Sabi ko na nga ba eh. Hindi naman tayo mag momovie marathon. Oh anong meron?"

Kinuwento ko sakanya yung nangyari kanina. Nung una akala niya typical lang na inalala namin childhood memories namin. Pero nang kinuwento ko na yung tungkol sa pag amin ni Marvin hindi na niya nagawang ubusin yung pizza na kinakain niya.

Binaba niya ang isang slice ng pizza at hinawakan ang kamay ko.

"Kamusta ka naman? Okay ka lang? Sana inamin mo na lang din."
"Pagkatapos kong umamin ano na mangyayari? Wala naman na magbabago. Hindi ko kayang magkasira kami Chloe."

"Edi sana naisip mo yun bago mo hinayaang umabot ka sa ganito. Sabi nga sa movie ng tunay na Marvin at Jolina: You are so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with your bestfriend. Alam mo namang hindi mo kayang ipagpalit friendship niyo edi sana nung nagsisimula pa lang yang feelings mo pinigilan mo na."

Hindi ko na napigilang umiyak. Ang sakit sakit pala. Sana na hindi ko na lang hinayaan yung puso ko na mahalin siya ng ganon katagal. Sana nung una pa lang tinigil ko na o kaya nung simula pa lang umamin na lang ako. Pero anong magagawa ko eh hindi naman basta basta natuturuan ang puso.

"So ano nang balak mo Joleng?"
"Hindi ko rin alam Chloe. Pagkatapos na lang ng kasal tsaka na lang ako magiisip kung ano na nga ba talaga ang balak ko."

Magdamag parin akong umiyak. Kahit nung umalis na si Chloe hindi ko parin mapigilan ang umiyak. Kailangan ko nang tanggapin na hanggang bestfriends lang kami.

Humiga ako sa kama ko at pinilit ang sarili kong makatulog. Pero imbis na matulog ay pinagmasdan ko ang picture naming dalawa. 

Buong lakas kong pinilit ang sarili kong tumayo para tanggalin ang mga pictures na iyon. Habang tinitignan ko ang mga pictures bigla kong naalala yung mga panahon na hindi ko pa siya gusto. Na para saakin siya bestfriend ko lang siya. Then I realized something.

"What if aminin ko na sakanya ang totoo?"

Missed Chances (Short Story)Where stories live. Discover now