Napailing ako sa ala-alang iyon. Bakit ba palagi ko na lang yun naiisip? Nakabalik ako sa realidad nang may tumuktok sa mesa ko.
"Saang lupalop ka nanaman ba nakarating Jolina? Kanina pa lumilipad yang isip mo."
Nakangising umupo sa tabi ko si Chloe. Kilang kilala na talaga ako ng taong to. Bukod kasi 'sakanya' si Chloe ang pinakamalapit kong kaibigan.
"Kanina pa ba tapos yung meeting? Wala man lang akong naisulat!"
Natawa si Chloe ng makitang wala man lang akong nailagay sa notebook ko.
"Isulat mo na lang jan kung ano yung iniisip mo kanina!"
Sasagot na sana ako nang biglang may nagtext sakanya.
"Nagtext sila Cholo. Jamming daw tayo maya. Sa dating tambayan daw kila Aling Sonia. Sagot nila."
Tumango tango ako. Wala din naman akong choice kundi sumama kasi pipilitin lang naman nila ako.
"Sino nanaman kaya sakanila ang nagkajowa o nawalan ng jowa?"
~~
Pag dating namin sa karinderya ni Aling Sonia nakita namin ang grupo na nakaupo sa usual naming pwesto. Nang makaupo na kami ay tinanong ko yung kaibigan naming si Makoy."Oh Makoy, sino sainyo ni Gelo ang nagkajowa ha?" Nagtawanan ang buong grupo. Ganun naman kasi lagi kahit noong college kami. Pag may nagkakajowa o naghihiwalay may pa inom.
"Sira! Hindi kami nanlibre no. Etong si Aileen ay may kwento ngayon."
Abot tenga ang ngiti ni Aileen nang ibalita niya saamin na sinagot na niya yung manliligaw niya since firstyear college. Pero bago pa man daw namin usisain si Aileen ay agad nila kaming binigyan ng tigisang bote ng San Mig Apple.
"Panulak agad? Hindi niyo man lang ba kami yayayain kumain ng dinner?"
Nagtawanan silang lahat. Tumayo 'siya' at lumapit sa akin. As usual, kumabog ng pagkalakas lakas ang puso ko. Halos tumigil ito sa pag tibok ng ipatong niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Oo nga naman. Pakainin niyo muna tong si Joleng. Lagot ako nito kay Tita Ma eh."
Ngumiti siya saakin. Parang gusto kong matunaw sa ganda ng ngiti niya. Inalis niya ang kamay niya at nakipagusap sa iba pa naming kaibigan. Lumapit saakin si Chloe at pasimpleng bumulong.
"Aminin mo na kaya girl. Dali chance mo na oh!"
Siniko ko siya ng mahina at bumulong din.
"Ano ako baliw? Bakit ako aamin? Tsaka sa tingin mo ba may magbabago? Kung meron man yung friendship namin siguro. Baka imbis na maglevel up eh mawalan pa ako ng bestfriend. Kaya quiet ka lang jan okay!"

YOU ARE READING
Missed Chances (Short Story)
Kısa HikayeLife gives us many chances. But what will you do if you missed too many chances? Will you still take a risk?