Panimula

246 31 22
                                    

Nauuso na ngayon ang mga book reviews at critique shops dito sa wattpad lalo na sa mga writers na gusto talagang mag-improve sa larangang ng pagsusulat. Kaya gumawa rin ako ng sarili ko. Hindi man ako pro pagdating sa pagsusulat, alam kong may maibabahagi ako sa inyo dahil mahilig akong magbasa ng mga tips, blogs, books, na tungkol sa pagsusulat.

Sa shop na ito, huwag n’yo pong asahan na ipe-praise ko ang story n’yo dahil hindi ko po ito ginawa para roon. Kaya kung naghahanap kayo ng isang critic na pupurihin ang akda n’yo, nagkamali po yata kayo ng librong napuntahan dahil hindi uso iyon sa akin. Pero, pinapangako ko naman na hindi ako masyadong harsh magpuna.

How will I critique your work?

Babasahin ko ang first ten chapters ng libro n’yo. Kapag nagustuhan ko, maaari kong ipagpatuloy ang pagbabasa at suportahan ang inyong akda. Maaari ko ring i-feature ang inyong kuwento sa “Few and Far Between Wattpad Stories” na may kasamang short review. Kung hindi naman, sana ay may matututuhan ka sa mga sasabihin ko sa critique shop na ito at i-apply mo iyon sa iyong kuwento. Kapag edited na, welcome kang bumalik dito.

• Story Description and Title
• Characterization
• Plot
• Setting
• Narration
• Overall comment

So iyon, welcome sa shop na ito. Kung interesado ka, maaari ka nang tumungo sa susunod na pahina para sa: Batas ni Naya.

Pero bago ka tumungo sa susunod na pahina, mangyari lamang na mag-mention ka ng limang tao na alam mong interesado sa mga critique shops na tulad nito. Salamat.

Naya's Critique Shop [CLOSED]Where stories live. Discover now