B1.3: Truth for Teens

70 10 3
                                    

Truth for Teens
by KCassandraWP625

Story description

Hindi ko alam kung bakit kailangang ilagay ang meaning ng title sa mismong story description

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam kung bakit kailangang ilagay ang meaning ng title sa mismong story description. Kung ako ang pipili ng babasahin at nabasa ko ang blurb mo, hindi na ako tutuloy sa mismong kuwento. Why? Simply because your blurb doesn't pique my interest.

Will the three girls and three boys [become] the three couples?

Alam mo, sa sinabi mong iyan, para mo na ring sinabi ang mismong laman ng kuwento. Atsaka, parang wala lang ito. Parang hindi pinag-isipan ang ilalagay sa blurb.

Try mo itong baguhin. Madalas kasi, kapag naghahanap ang ibang readers ng babasahin ay story description muna ang tinitingnan nila.

P'wede ka gumawa ng synopsis o kaya quote na ginamit ng mismong character na related sa story. Ikaw ang bahala basta dapat makuha no'n ang atensyon ng mambabasa.

Dako tayo sa title, Truth for Teens. Katotohanan para sa kabataan. Noong nabasa ko ang title akala ko ang kuwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan na hindi naranasan ang kasiyahan ng pagiging teens, kaya nang mabigyan sila ng pagkakataon na bumalik sa past at maging teenager ulit, ginawa nila iyong mga bagay hindi nila nagawa. That's the truth for teens. You enjoy your life to the fullest and live like there's no tomorrow.

Pero nagkamali ako kasi ang title ay tungkol nga sa katotohanan kung ano at sino ba talaga sila. Mukhang related naman ang title sa mismong content. Pero masyadong na-generalize ang word na "teens".

--

Characters

Una ko nang sasabihin dito ang: too much telling. Pamilyar ka ba sa rule na: Show, don't just tell?

Kasi ang ginawa mo sa story mo, ganito:

Meet (insert name) mabait, effortful at kung ano-ano pang katangian na nakita mo sa kanya. Bakit imbes na sabihin mo ang katangian na mayroon siya ay ipakita mo?

Paano mo ba masasabing mabait ang isang ito? Magpakita ka ng scene kung saan iyong mismong mambabasa iyong mag-iisip, ay mabait pala itong si ano.

Paano mo masasabing effortful ang isang tao? Magpakita ka rin ng mga scenario kung saan masasabi ng readers mo na ang effort pala nitong si ano.

Hindi naman iyan mahirap. Huwag mong madaliin. Kung mahal mo ang characters mo sa story, hindi mo mamadaliin ang kuwento. Bigyan mo sana ng hustisya ang bawat isa sa kanila.

Isa pa, sa unang chapter palang ang dami na kaagad characters. Iyong tipo sinubo mo na lahat sa amin, nabilaukan pa kami.

Hindi kaagad papasok sa isip ng readers natin iyan. One at a time lang muna tayo. I-enjoy mo muna ang pagpapakilala sa kanila at pagbi-build mo sa kanila.

Don't spoon feed your readers. Hayaan mo silang mag-isip.

Last na ito, sa sobrang dami mong ginamit na point of view. Nagkakapare-pareha na. Kung ikukumpara natin sa realidad, lahat ba ng tao, pareho ng pananalita? Hindi, 'di ba?

Kailangan may sariling personality ang mga character sa kuwento na sa kanila lang makikita sa buong story. Kung paano sila manamit, magsalita, mag-react, hobbies nila, mannerism, at kung ano-ano pa. Lagi nating iisipin na para maging makatotohanan ang characters sa kuwento natin, dapat magmukha silang totoong tao sa paningin ng readers.

Ang iba para mas maging makatotohanan ang characters, binabase sa totoong tao. Pero nasa sa 'yo iyon kung paano mo sila babaguhin.

Ako kasi, gumagawa ako ng character's sketch ng bawat characters ko sa story. Iyong personality nila, talent, close friends, enemies, past, dreams, goals, etc. etc.

So iyon, kailangan distinct ang lahat ng characters.

--

Plot

Nandito na tayo sa plot. Hindi ko pa naman tapos ang kuwento pero mukhang alam ko na kung ano ang mangyayari. Hindi naging mystery ang dating sa akin ng pagka-aksidente ni Jayvee. Kasi mukhang alam ko na ang dahilan.

Masyado ring mabilis ang mga pangyayari. Why don't you build up first the characters and unfold the secrets one by one about their identities?

Huwag mong madaliin ang kuwento. Kung gusto mo talaga itong mapaganda, maglaan ka ng oras para rito, mag-enjoy ka lang sa pagsusulat. Magugulat ka na lang na malapit mo na pala siyang matapos. At dahil napamahal ka sa mga characters, syempre, parang ayaw mo nang tapusin. Pero kailangan.

--

Setting

Isa ito sa hindi ko gaanong nakita sa story mo. Pagtrabahuhan mo sana ito.

--

Narration

• Hindi advisable ang pagbo-bold ng letters sa formal writing.

• Katulad ng Facing Death, pag-aralan ang paggamit ng dialogue and action tags.

• Huwag kalimutang maglagay ng bantas sa mga dialogues.

• Iwasan ang paggamit ng ganito: (?!!), p'wede mo naman kasing ilagay na lang iyan sa narration.

Halimbawa:

"Hoy! Anong ginagawa mo?" pasigaw na tanong niya sa akin.

• Walang pinagkaiba ang narration ng lahat ng characters. Pagtrabahuhan mo ito. Bigyan mo sila ng sari-sariling boses.

• Minsan masyadong OA ang narration. Katulad sa nakalagay sa prologue, iyong nagkukuwento si Kianna. Pati iyong nalaman niyang may fiance siya. OA rin maka-react iyong mga lalaki sa story. Lalo ba iyong POV ni Ryan tungkol sa pagkagusto niya kay ano.

Tanong:

Masyado bang detalyado ang ginawa ko sa bawat chapter ng story ko?

>>Hindi, kulang sa setting. Oo, detalyado iyong mga nangyayari pero hindi naman namin alam kung saan iyon nangyayari.

Na-enjoy mo ba ang pagbabasa ng story ko?

>>Ang totoo niyan, sobrang mapili ako sa mga story na babasahin ko. Kailangan malinis at walang errors (sana kaya kong gawin sa story ko. Lol). Kailangan prologue palang o chapter one palang, makuha na ako ng story. Sorry, pero hindi ako nag-enjoy sa kuwento mo. Pero for starters, masasabi kong may potensyal ka. Sulat lang nang sulat! Mawo-work out mo rin iyan.

OVERALL COMMENT

Ang mga writers, gumagawa ng story dahil may gusto silang iparating sa story na ginagawa nila. No offense pero masyadong clichè ang kuwento mo. Iyong tipong lahat kayang gumawa ng ganiyan. Pero humahanga ako sibukan mo dahil bilang writer, mahirap magsulat ng clichè stories dahil kailangan gumawa ka ng paraan para hindi siya maging clichè. Gumawa ka ng sarili mong version. Plot twists. Events based on your experiences etc. Well, good luck sa story mo! Alam kong mahal mo iyan, kaya huwag kang mapapagod sa paggawa. :)

--
All of these are just my judgments.

Naya's Critique Shop [CLOSED]Where stories live. Discover now