B3.1: Cursed Beauty

52 3 26
                                    

Note: I'm not a pro when it comes to this so it is up to you if you will believe my opinions (as a reader) and judgments (as your co-writer) or otherwise. Anyway, thank you for trusting this shop! I hope you'll gain enough knowledge to improve your story and also help you to enhance your writing skills in whatever I will say in this critique.

Cursed Beauty
by silentscreamerrrr
Prologue - Chapter 9

Una sa lahat, gusto kong sabihin na nag-enjoy ako sa pagbabasa ng istorya mo. :)

Prologue

Ginagawa ang prologo para sa mga eksenang gusto nating ipakita upang agad na makuha natin ang atensyon ng mambabasa. Ito ay maaaring pangyayari na naganap na, pangyayari sa hinaharap o kung ano mang estilo ng manunulat para mahikayat niya ang mambabasa na magpatuloy sa susunod na pahina.

Maganda ang ipinasok mong eksena sa prologue mo. Kaya lang, maganda sana kung habang binabalik tanaw ni Nana Sally ang nangyari kina Melvin at sa ina ni Amelia, naka-italic ang pa-flashback na pinasok mo para hindi ma-confuse iyong nagbabasa at malaman niya agad na, ah ito iyong past. Ganern.

Napansin ko rin na hindi mo pa yata masyadong gamay ang pagsusulat ng third person point of view? Tama ba? Hindi ko alam, pero may ilang sentences doon na medyo off basahin. Try to read your story out loud. Doon mo kasi malalaman kung smooth ba basahin at maganda sa pandinig iyong mga salitang ginamit mo.

Plot / Description

Puro negative muna tayo.

• May kasabihan tayong: The beauty is in the eye of the beholder. Para sa akin, unrealistic at self-proclaimed iyong bidang babae rito. Unang-una, sinabi rito ng bida (siya mismo) na maganda siya. Self-proclaimed ito; maganda sana kung sa ibang tao manggagaling na maganda nga siya. Pangalawa, paano siya naging pinakamaganda kung hindi naman niya mailahad kung anong hitsura niya? Pangatlo, feeling ko, pinasok mo lang iyong mga naunang parte na sinasabing maganda siya at iyong mga naranasan niya sa buhay para ma-justify mo ang title. Kasi sa tingin ko iikot lang ang istoryang ito sa pag-iibigan nina Jack at Amelia. (Okay, ako na ang judger! XD)

• Cursed beauty. Na-gets ko naman ang punto mo rito. Tinuturing niyang sumpa iyong kagandahan niya dahil sa mga nararanasan niyang paninira. Pero, hindi mo nabigyang emphasize iyong eksena kung saan ay siniraan nga siya. More on telling ang kuwento kaya ang kinalabasan, imbes na magpakita ng pangyayari, nagkuwento na lang. Obey the rule: Show, don't just tell.

• Hindi maaayos ang transition. Nagpapalit ka ng setting bigla-bigla kaya nagugulantang ako. Ewan ko kung lutang lang ba ako habang binabasa ang kuwento mo o ano. Correct me if I'm wrong. Halimbawa nito, iyong sa pupunta sila sa Apo ba iyon? Nag-drive si Isaac. Then biglang nasa wedding reception sila, hindi ko gets kung bakit dumaan sila roon nang hindi man lang yata nakaayos ng damit. Pagkatapos no'n, parang wala lang nangyari, ibang setting na naman. Hindi mo rin nasabi rito kung anong sasakyan ang sinakyan nila. Kung ilan sila. Kaya akala ko noong una, yate iyong sinasakyan nila. Haha.

• Napansin ko rin na may iilang naliligaw na narration. Hindi ko alam kung sinadya mo ba iyon o ano. Halimbawa nito iyong sa chapter one. Iyong sa dulong parte kung saan bigla kang nag-shift ng third person point of view. Maganda sana kung iisa POV lang ang gamitin mo para iwas confusion.

• Nasabi ko nang isa sa ma problema mo ay ang: show, don't just tell. Magbibigay ako ng ilang mga eksena na kailangang makita roon sa kuwento mo imbes na ikuwento lang ng bidang babae.

* Una, iyong pagiging hindi niya close sa bagong family ng papa niya. Show, don't just tell.

* Pangalawa, iyong pagiging tila ilap ni Melvin sa kanya. May nasabi ka rin dito na nagkagalit sila pero hindi ka naman nagpakita ng scenes. Show, don't just tell.

* Pangatlo, iyong mga naranasan niya dahil sa angkin niyang ganda. Show, don't just tell. Mas makukuha mo ang damdamin ng mambabasa kung pinakita mo ang mga ganitong eksena kaysa hinayaan mong siya lamang ang magkuwento.

* Pang-apat, iyong paano biglang nagbakasyon. Ang transition na ginawa mo lang kasi rito, iyong biglang pagdating ni Cynara sa sementeryo at sinabing summer vacation na. Ni hindi mo man lang sinabi kung saang school siya nag-aaral, anong hitsura nito, at paano natapos iyon.

* Mas maganda rin kung magpakita ka ng scenes kung saan naipapakita na masaya nga ang pamilyang mayroon sila noon gaya ng sinasabi niya. Show, don't just tell. Sa pagpapakita ng mga pangyayari, mas nagiging kapani-paniwala iyong kuwento.

Iyan lang muna.

• Ibalanse ang narration at dialogue. Ito dalawang ito, laging magka-partner. Mas maganda kung makikita sa kuwento na balanse sila.

Positive

• Maganda ang pagkakalarawan mo ng mga lugar sa kuwento. Nailalahad mo iyon nang maayos at naipapakita nang malinaw ang mga setting sa isipan ko.

• Mahusay ang pagkakagamit mo sa five senses.

• Hindi pilit ang mga salitang ginamit sa narration kaya smooth siya basahin.

• Nagustuhan ko sa kuwento mo ay ang pagkakabuo ng dialogues. Natural ang dating niya sa akin. Ipagpatuloy mo ito.

• Nakikita kong may alam ka sa pagsusulat ng mga kuwento. Kaunting aral lang sa basic writing ang kailangan mo at tiyak kong mas mapapaganda mo pa ang istorya. Kudos!

Characterization

Heroine. Make her realistic. Describe her beauty. May lahi ba siya or what? Para siya ang tawaging pinakamaganda sa bayan nila? Akala ko noong una, anak ng hindi pangkaraniwan si Amelia kaya iba iyong gandang taglay niya. XD Bukod doon, make her statements more believable para mas ma-hook mo ang atensyon ng mambabasa. :)

Hero. Maayos sa akin si Jack. Naaaliw ako sa kanya. Wala kang kailangang baguhin sa ugaling mayroon siya.

Others. Kung magpapakilala ka ng characters, one at a time lang. Huwag mong iisang bagsakan dahil hindi agad iyan tatatak sa isipan ng mambabasa. Make other characters believable. Lalo na si Isaac. Tingin ko pa naman siya iyong magiging second lead. Haha.

Technicalities

Ito ay ilan lang. Hindi ko na sasabihin lahat ng nakita ko.

*ka na
*na lang
*pinto (door); pintuan (doorway)
*yata o 'ata

•Pag-aralan ang gamit ng NG at NANG. Ang NG ay ginagamit sa pangngalan habang ang NANG naman ay sa pandiwa at sa kapuwa pang-abay. Kung hindi mo gets, mangyari lamang na tumungo ka sa Naya' Writing Tip #1. May guide ako ro'n.

• Pag-aralan ang action at dialogue tags. You can search on the internet what is the use of the two o kaya, p'wede mong basahin sa Naya's Writing Tip #1.

Iyan lang naman ang common na napansin ko sa story mo. :)

Questions

1. Mabagal ba ang flow ng story?

Answer: Tama lang siya ang pacing para sa akin. :)

2. May mga scenes bang dapat i-cut?

Answer: Sa tingin ko, wala naman. May mga scenes na kailangang i-emphasize. :)

Overall Comment

Ilan ang word count mo kada chapter? Haha. Feeling ko ang haba. XD So iyon, nag-enjoy ako sa pagbabasa ng kuwento mo. Medyo hindi lang kumbinsido sa mga naunang parte, nakukulangan kasi ako. Bale, noong nasa sementeryo siya, doon na ako nagsimulang i-enjoy ang pagbabasa. Curious kasi ako kung sino ang dahilan kung bakit hindi siya nabasa ng ulan. Haha. Iyon lang, good luck sa story mo!

Naya's Critique Shop [CLOSED]Where stories live. Discover now