Wrong Equation
ni PeterPalabuk
[Warning: This is not intended to bash the author. Review ito ng mismong story at hindi ng mismong nagsulat.]
Okay, okay. Nasabi mo naman na ito ang first time mong magsulat ng point of view gamit ang babae bilang narrator. Sa plot, dahil dalawang chapter palang ay wala akong masyadong mapupuna. Kung effective ba iyong pagsusulat mo ng female's point of view, let's see.
Teka, medyo magiging harsh ako rito. Ihanda mo ang puso mo, okay? Hahaha. Tutal libre naman ito, magiging honest na ako.
1. Sa content muna tayo. Nagsimula sa date with a stranger. At dahil stranger nga itong naka-date niya, given nang awkward moments dapat ang mamayani. Pero hindi mo napa-feel sa akin iyon. Sa mga ganitong eksena, well kung ako iyong gagawa, unahin kong i-build up ang atmosphere, describing how romantic the place was pero kabaliktaran iyong nararamdaman ng bida, kasi nga hindi si Tyler iyong ka-date niya. Fake smiles. Awkward laughter and conversations. Must. Be. There. Kailangan ipadama mo ang nararamdaman ng bida sa puntong iyon. Play with your words wisely.
SUGGESTION/TIP!
First things first, introduce themselves to each other. What's your name? Anong course mo? Saan ka nag-aaral? What are your hobbies? Like that, realizing they have similarities and differences, nagkapalagayan sila ng loob. Ito ang unang-unang ginagawa sa date. Be logical. Syempre, hindi mo nga kilala 'di ba? Tapos sasabihin mo kaagad iyong pinagdadaanan mo sa kanya? Ang bilis makuha ng trust. Parang naging easy to get tuloy iyong babae.
Okay, I get it. Sa second chapter nabanggit doon na nakalimutan nilang tanungin ang pangalan ng isa't isa dahil nawili sila sa pagkain at pagkukuwentuhan. Pero, hindi iyon katanggap-tanggap na reason. Para ang naging dating kasi sa akin no'n, tanga ang characters. Know the basics first. Kung may stranger kang nakausap, hindi ba tatanungin mo muna ang pangalan niya?
2. Syempre, kung mahal niya si Tyler, hindi maiiwasang ikumpara niya itong si Teng kay Tyler. Ganoon kasi kapag may naka-date ka pero may iba kang gusto. Bawat galaw, maikukumpara mo talaga ito sa taong gusto mo.
3. Masyadong mabilis ang pacing. Hindi ko alam kung sa akin lang ba ito, pero iyon nga. Masyadong instant. Parang nag-skip. Hindi pa nga masyadong nakikilala at nabi-build up ang characters, ibinigay na ang conflict sa bida, which is iyong struggle niya para tanggapin ng family niya si Tyler at iyong pagpipilit ng kuya niyang si Kirsten na lang ang piliin kaysa kay Tyler.
SUGGESTION/TIP!
Kapag romance ang tinitira mong genre, maganda kung mag-uumpisa kang i-build up at ipakilala ang mga characters bago mo ilatag ang conflict. Kasi mahalagang elemento ang characters sa mga ganitong genre. Kasi nga clichè ang plot mo, kaya kailangan ma-captured mo ang readers gamit ang characters mo. Pero dapat, habang hinuhulma mo sila, unti-unti mo nang nilalatag iyong problema.
Kung trip mo, ipapakilala mo muna si Tyler at ipakita ang motive ng kuya at tatay ni Chase para ayawan nila ito. Para hindi maging clueless ang readers. Huwag mong ilalatag agad. Walang impact kapag gano'n.
Kung trip mo rin, maganda kung ipapakita mo iyong eksena kung paano napapayag si Chase sa blind na iyon, to think na mayroon na siyang Tyler.
But, anyway, nasa sa 'yo pa rin ito. Kung paano mo ilalatag iyong buong istorya. Huwag mo lang kalimutan na dapat may reason at motive ang mga characters mo bago sila gumawa ng desisyon.
4. Puppet dito ang bida. Sunod-sunuran sa gusto ng parents niya. But, I can't feel it. Even though I've read the part that she claimed she's a kind and obedient child, hindi magmukhang believable. Kasi tunog nag-iinarteng anak mayaman iyong boses niya sa utak ko. Honestly, habang binababasa ko, iyon ang naririnig ko.
TIP
Huwag mong ipilit ang narration. Hindi basehan ang pag-e-English para maging tunog babae. Just know your characters. Pakiramdaman mo sila. Kilalanin mo sila nang mabuti at gawing mong natural ang dating ng narration. Kung malungkot ang character, malungkot dapat ang narration. Kung naiinis, naiinis dapat. Kung naa-awkward-an sa isang sitwasyon, iyon din dapat ang maramdaman ng readers kapag binasa ang parteng iyon. Put the right emotion on your piece para mas maging successful ang paggamit mo ng female's POV. You know, masyadong ma-drama ang mga babae.
Bukod doon, hindi rin basehan ang pagbibigay ng description sa bawat damit ng mga characters para masabing babae. Pero kung ganoong uri ng character si Chase, then be it.
4. Too much commas. May mga sentences na dapat tuldukan na pero ginagawa pang complex.
5. Proofread. Proofread. Marami-rami ring typos at errors ito. Kapag may oras ka, try mong i-edit.
For the brighter side, yes, na-appreciate ko naman ang pagsubok mo nang ganito. Sa tingin ko, kaunting practice pa, makukuha mo rin iyong boses ng babae. Syempre para sa lalaki na sumusubok ng babaeng POV, mahirap talaga lalo na kung sanay kang lalakiblagi ang narrator. Pero actually, kung mailalatag nang maayos at hindi magiging tunog nag-iinarteng babae slash conyo iyong boses ni Chase dito, na sa tingin ko ay hindi nag-match sa description sa kanya which is mabait at masunurin, magiging okay ito sa akin. Well, continue writing this dude, nagustuhan ko pala ang title. :)
Anyway, good luck and keep on writing!