All of these are only my opinions and judgments.
Darkest Days
by chinshurui
Part 1 - 6Unang-una sa lahat, maganda ang ideya mo sa kuwento. Kakaiba. Kaya nga lang, gaya ng sabi mo sa author's note, sobrang hindi detalyado ang mga eksena at parang binigyan lang ng pahapyaw. Bukod doon, dahil sci-fi yata itong kuwento mo, ang itatanong ko: Nag-research ka ba tungkol sa kumalat na virus na iyon?
Gawa-gawa mo lang ba ito o totoo?
Kahit gawa-gawa mo lang ang virus o totoo man ito, kailangan may datos ka at pinagbesahan na impormasyon sa kuwento mo para maging kapani-paniwala ito. Huwag kang umasa sa kung ano ang "alam mo lang". Research-reseach din 'pag may time.
Bahagi iyon ng pagiging manunulat. Ang kumalap ng impormasyon para may susuporta sa ideya na gusto mong i-establish sa kuwento mo.
Weaknesses
• Kulang sa impormasyon o datos. Tutal nakausap nila si Mr. Lee, na isang scientist dapat ay maalam ito sa virus na iyon. Kung anong sangkap ang ginamit niya, kung anong magiging epekto sa tao ng virus na iyon, kung saan ba ito nagsimula, kung kailan at sino ba ang puno't dulo nito. Sana binanggit mo rin kung ano-ano iyong mga ginawa niyang antidote, kung mayroon man, para sa virus.
• Pagdating sa deskripsyon, sobrang kulang. More on telling ang kuwento kaya hindi nai-imagine at napalalawak ang mga eksena. Katulad na lamang no'ng biglang paglitaw ng mga ibon galing sa kung saan, anong hitsura nila? Kasinlaki ng ano? Gaano karami? Hindi sapat ang sinabi mong marami sila at nakakatakot.
Isa rin iyong sa tumatakbo sila kasi nga nililigtas nila iyong mga buhay nila. Saan sila dumadaan? Ano iyong mga nadadaanan nila? Gaano sila katakot nang mga oras na iyon?
Maraming scene ay kailangan talaga ng description para mas maunawaan at ma-imagine ng readers kung ano iyong gusto mong iparating sa kanila. Lagi mong tatandaan na writer tayo, at hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi mo kayang magpakita ng larawan gamit ang mga hinabi mong salita. :)
Alam kong kayang-kaya mo ito. Ramdam ko naman na gusto mo talagang magsulat dahil magaganda naman ang ideya mo. Ang kailangan mo lang ay mag-practice nang mag-practice para mahanap mo ang sarili mong style kapag nagsusulat ka na. At syempre, iyong pagiging mahusay sa paggamit ng deskripsyon.
• Isa rin ang characterization sa problema mo sa story. Ang dami. Sa sobrang dami, hindi ko sila natandaan lahat. Bukod doon, wala rin silang pinagkaiba. Hindi mo sila lahat nabigyan ng hustisya. Isa ang characters sa mahalagang elemento ng kuwento. Kasi kinukuwento natin iyong journey nila.
Lagi mong tatandaan na ang mga tauhan sa kuwento natin ay parang tao lang din. Parang tayo lang. May kanya-kanyang personalidad, pangarap, mannerism, hobbies, favorites, talents, way of speaking, movements, appearances, the way they dress and etc.
Huwag kang maglalagay ng maraming characters kung hindi mo sila lahat mabibigyan ng hustisya. Kung kayang magpatuloy ng kuwento na wala sila, huwag nang isama.
Ang sabi nga parang tao rin dapat ang character sa kuwento natin, kaya dapat iyong mga impormasyon tungkol sa kanila gaya ng birthday ay makatotohanan.
• Show, don't just tell. As much as possible, use your five senses. Magpakita ka ng eksena, ng larawan. Iparamdam mo iyong nararamdaman ng mga character. Huwag kang puro, sabi niya, sigaw niya, bilin ko, etc. Puro telling.
Paano mag-show?
"Hindi ko alam." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinarap siya.
Well, ang mema lang ito. Pero parang ganyan. Instead of saying, he said, she said, describe their movements.
• Make it realistic. Kahit piksyon ang sinusulat natin huwag nating kalimutan na bahiran ito ng realismo upang mas maka-related at makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
• Masyadong mabilis ang phasing. Iyong tipong, pagkatapos ng habulan, 6 months na agad ang lumipas. Tapos nagpasok ka na lang ng mga flashback na nangyari noong mga pahanong iyon.
Halatang minadali. I-enjoy mo lang ang pagsusulat. Kalaunan matarapos mo rin iyan.
Kung infected, patay ba agad? Do some research. Alamin mo kung ano iyong infected at ano iyong epekto ng virus. Gaano katagal bago masabing infected na ang isang tao.
Isa rin sa napansin ko na, anong ginawa nila sa loob ng 6 months? Wala man lang namatay sa kanila? Paano sila naka-survive kung marami na ngang infected? Saan sila kumuha ng pagkain sa loob ng six months? Hindi ba masyadong matagal iyon? Tapos wala man lang nagbuwis ng buhay. Maswerte.
• Last na ito, kung may kumakalat na nga na virus at marami nang namatay, na-infect, may panahon pa ba sila para mag-joke at sa lovelife? Kung ako ang nasa kalagayan nila, iniisip ko kung paano ako makaka-survive. Mamatay ka na nga, iisipin mo pa ba iyang lovelife na iyan?
Strengths
• Magandang ideya at konsepto ng kuwento.
Overall Comment
Hindi porket marami kang weaknesses, hindi ka na magaling at mawawalan ka na ng gana sa pagsusulat. Lahat tayo dumadaan diyan. Lalo na kung nagsisimula palang tayo at wala pang gaanong alam pagdating sa pagsusulat. Ang payo ko sa 'yo, subukan mong magbasa ng mga international novel o kaya local novel (hindi wattpad a) at obserbahan mo kung paano sila magsulat. Mag-describe ng mga pangyayari. Bumuo ng mga dialogue. Magpasok ng mga eksena. Maglagay ng datos na susuporta sa story nila. Maglagay ng emosyon at syemprw kung paano bila binubuo ang characters at plot sa istorya. Try to research, read, and observe. Then after that, practice what you've learned. Promise, malilinang ang kakayahan mo sa pagsusulat.