B1.4: 12:58

65 7 5
                                    

12:58
by ShinEl4

Story description

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Story description

Kung naghahanap ako ng libro sa wattpad at nabasa ko ang blurb mo, ise-save ko kaagad ang story mo sa library ko. Your blurb is short but catchy. Kudos!

--

Characterization

Bago tayo tumungo sa characterization may gusto lang akong sabihin at ipaliwanag. May dalawang uri tayo ng story: plot-driven and character-driven story. Kapag plot-driven, ang kuwento ay nakapokus mismo sa plot. Binabasa ng readers ang kuwento hindi dahil sa mga characters kundi sa mismong plot. Ang character-driven naman, nakapokus ang kuwento sa development ng characters. Madalas ito sa mga clichè stories. Kasi kung clichè iyong konsepto mo, paano mo mabibihag ang atensyon ng readers? Syempre, dahil sa characters. Mahal nila ang characters na ginawa mo kaya kahit clichè patuloy pa rin nilang binabasa.

Pero kapag kaya mong pagsabayin ang dalawa sa isang istorya, mas maganda.

Maraming character sa kuwento kaya hindi rin sila lahat tumatak agad sa isip ko. Maganda sana kung mas napalawak mo pa ang description ng bawat isa.

Halimbawa noong bumalik iyong estudyante na 6 weeks nawala. Sabi mo maganda, gaano ba kaganda? Trabahuhin mo sana ang description. Ipa-imagine mo ang hitsura ng bawat isa. Lalo na iyong mga characters na kailangan talaga sa kuwento.

Katulad ni Gino, anong hitsura niya. Anong pinagkaiba niya kay Harry?

Maganda rin ang ginawa mo na magkaroon ng love team para may kilig feels ang kuwento.

Iyong heroine, hindi ko masyadong gusto. Para siyang damsel in distress na kailangan laging tinutulungan. Pero hindi ko naman sinabing baguhin mo siya. Opinion ko lang ito as a reader.

Napansin ko na mahilig ka sa H na name, a? Haha. Halos lahat yata ng characters sa kuwento, puro may H ang name. Ang cute.

So iyon, kailangan ma-distinguish agad iyong mga characters sa story. Bigyan mo sila ng sari-sariling tinig.

Pero dahil maraming characters, tip ko, alamin mo ang iba't ibang uri ng characters at i-classify sila ayon sa posisyon nila sa kuwento at maglagay ka na rin ng description tungkol sa kanila kahit maikli lang. Makakatulong iyon.

Last na lang ito, iyong other term mo sa pagpatay-sindi ng ilaw. Ginamit mo iyon sa POV ng teacher tapos nakita ko ring ginamit mo sa POV ni Irhel. Iwasan sana natin iyong gano'n. Sabi ko nga, dapat may sari-sarili silang pananalita.
--

Plot

Interesting dahil may nakakapanabik na twist pagdating mo sa bandang dulo. Kaya nga lang, hindi ba masyadong kampante ang iba? Iyong tipong may namatay na nga, parang wala lang? Hindi man lang nag-panic?

Oo, mayroon. Pero parang wala na rin kalaunan. Hindi ko ramdam na natakot sila. Nag-panic. Kulang sa description tungkol sa feels nila sa mga kaganapan.

Kasi kung ako iyan, kung ako iyong gagawa, noong nalaman kong may patayan, gagawa agad sila ng paraan para makaalis. Lalabas iyong mga totoo nilang ugali. Magsisisihan. Mag-iiyakan. Iyong mga gano'n.

Pero maganda ang konsepto. Kudos.

--

Setting

Anong hitsura ng ekswelahan nila? Ng library? Ng science lab? Trabahuhin mo rin ang setting para mas ma-imagine pa ng readers ang mga eksena.

--

Narration

Minimal lang ang nakita kong mali sa kuwento mo. Talagang pinaglaan ng oras na i-edit. Iyong rule lang sa paggamit ng raw at daw. Makikita mo iyon bago ang chapter na ito.

Nga pala, hindi advisable ang paggamit ng bold letters sa mga dialogues.

Tanong:

Posible po bang basahin ito ng iba?

Yes! Maganda ang narration nito para sa akin. Sablay lang sa characters at setting pero bawi naman sa plot. For starters, babasahin nila ang story mo. Page turner siya. Keep it up.

Ano ang kalakasan at kahinaan ng story?

Kalakasan. Konsepto, narration, plot. Kahinaan. Description sa characters at setting.

OVERALL COMMENT

Nagustuhan ko ang narration ng story. Hindi siya nakaka-boring basahin dahil may pabitin kada chapter. Keep it up.

Sa tingin ko mas bagay na mystery/thriller ang genre ng story at hindi horror. Iyong book 2 p'wede mo siyang i-classify as horror. Kasi kung horror ang story mo, dapat una palang, horror na siya. Gano'n kasi iyon, ayon na rin sa kakilala kong editor. Sa unang chapter palang, dapat ma-feel mo na horror nga ang story.



Naya's Critique Shop [CLOSED]Where stories live. Discover now