B1.9: She's the Real Challenge

49 3 6
                                    

I know you waited for this. Pasensya medyo natagalan. Masyadong busy sa school works. Graduating na kasi kaya dapat hindi pa-chill-chill. Haha.

--

Story description

Short but catchy. You don't need to change anything. Nandoon iyong pagiging interesado ko nang mabasa ang blurb ng story. Iyong tipong hindi mo na siya kailangang lagyan pa ng mabubulaklak na salita at habaan para lang maging catchy. Straighforward. Kudos!

Characterization

Wala naman akong gaanong mapupuna sa characters. Maliban na lang doon sa mga kapatid ni Sage na parang pagkatapos ng intro, nawala na sa eksena. Haha. Nagsimula ang lahat sa deal, maganda sana kung nagpapasok ka ng mga scenes para sa magkakapatid upang malaman natin kung may progress ba iyong mga ginagawa nila at nang mas lalo pa namin silang makilala.

Atsaka nagustuhan ko rin kasi iyong paraan nang pag-uusap nila. Nagbabarahan. Pero kahit ganoon, wala pa ring distinction sina Valerian at Jasmine. Parang plain characters lang sila na pagkatapos maipakilala, nawala na sa eksena.

Expect the unexpected naman sa part ng leading lady. Natutuwa ako kasi nabigyan mo siya ng twist. Good job! Kudos!

Plot

I won't say that you have a unique plot. Pero para sa akin, nagustuhan ko ang ginagawa mong twist sa kuwento kaya nagiging kaintere-interesante ito. Ganoon naman talaga, kapag alam mong hindi unique ang plot, naglalagay ng twist para maging unique. Kudos!

Isa sa mga problema ko ang masyadong mabilis na pangyayari sa kuwento. Masyadong mabilis ang phasing. Iyong tipong nakasakay sa jeep at walang trapik kaya mabilis ang pag-andar. Ganoon. Haha. Bagalan lang sana natin, i-enjoy lang ang pagsusulat ng kuwento nilang dalawa.

Setting

One your weaknesses. Wala yata akong nabasa na description tungkol sa setting. Tutal third person point of view naman ito, madali na lang i-describe ang paligid mo kasi ikaw mismo ang narrator. Kung susumahin, all knowing ka.

Maganda sana kung binibigyan mo ng hustisya ang setting para magkaroon ng background ang readers kung saan at anong hitsura ng paligid na ginaganapan ng kuwento. Dito kasi, nailalagay mo kami sa mismong sitwasyon. Lunurin mo kami sa mga salita mo.

Narration

The first time I read the first part of your story, I'm hooked. I love your writing voice. Mayroon kang boses bilang writer na iyo lang at hindi maaagaw ng kahit sino. Isa iyon sa mga advantages mo bilang manunulat. Kasi karaniwan ngayon sa mga writer, lalo na kung nagsisimula palang, o kaya naman walang pakialam sa writing voice nila, paiba-iba ng boses sa buong kuwento. Kasi hindi nila alam ang sarili nilang writing voice kaya sa tuwing magbabasa sila ng gawa ng iba, nagagaya nila ang writing style ng author na iyon. Kaya sa buong kuwento, walang consistency ang boses ng narrator.

Pagdating sa teknikalidad, sobrang minimal lang iyong nakita ko, na kapag diretso ka sa pagbabasa, hindi na gaanong napapansin. Wala ka namang problema tungkol dito, masasabi kong maalam ka na sa aspektong ito kaya once na nasa editing phase ka na, makikita mo rin iyon.

Dialogue + Narration + Description = Good storytelling

Iyon nga, dahil nakukulangan ako sa description, ang nagiging dating para sa akin ng kuwento ay more on telling. Do not forget the rule: Show, don't just tell. Makakatulong iyon upang mas lalong gumanda ang iyong kuwento at para na rin hindi gaanong mabilis ang phasing. Sabi ko nga, i-enjoy mo lang ang pagsusulat. Okay lang kahit matagal, kalaunan matatapos mo rin naman iyan.

Tanong:

Anong favorite part sa kuwento ang nabasa mo?

-Favorite part ko ay iyong sa tuwing nagsasagutan sina Ken at iyong bidang lalaki. Natutuwa kasi ako sa kanilang dalawa. Kaya na-enjoy ko ang pagbabasa ng kuwento. Kudos!

Clichè po ba ang kuwento?

-You made your own version of the story. Nagustuhan ko ang mga twist na ginawa mo. Kahit gaano ka-clichè ang isang kuwento, kung nadaan naman sa narration, characterization, at plot twists, nagiging kaintere-interesante siyang basahin. At sa palagay ko, nagawa mo naman ang tatlong nabanggit ko. Keep it up!

OVERALL COMMENT:

Nagustuhan ko ang writing voice mo. Iyon talaga ang unang-una kong sinabi. Maikli lang ang narration pero nandoon iyong impact. Ang kaso, kulang sa description ito kapag setting na ang pinag-uusapan. Nakapokus ka lang sa mismong eksena kaya nalilimutan mo nang bigyan ang readers ng background kung saan nangyayari ang kuwento. Alam mo ba, minsan, kahit gaano ka-clichè ang plot, kung maganda ang pagkakuwento, babasasahin at babasahin iyon ng mga mambabasa? Isa rin kasi ang writing voice sa nagpapatibay at nagpapaganda sa story bukod sa twist at characters. Masasabi kong isa ka sa underrated writers dito sa wattpad. Darating din ang oras mo. Kung saan ay makikilala ka at iyong mga nilikha mong obra. Manghuhula ako kaya alam ko. Haha.

Keep on writing!

--

All of these are only my judgments.

Naya's Critique Shop [CLOSED]Where stories live. Discover now