All of these are only my opinions and judgments.
--You're right. Iba nga itong gawa mo kaysa sa nauna. Dito, mas dama ko ang emosyon at para sa akin, nailahad mo nang maayos ang kuwento.
Wala akong gaanong mapupuna sa istorya mo. Siguro dahil talagang pinaglaanan mo ng oras buoin at isulat ito. Wala rin akong gaanong nakitang typos maliban na lang sa ibang grammar errors na minimal lang naman at hindi kapansin-pansin.
I will point out the negative and positive sides of the story.
Positive
• Nice start. Una palang, intense na ang eksena kaya madali na lang para sa 'yo na kunin ang atensyon ng mga mambabasa.
• The heroine and hero are well-executed. Gusto ko iyong pagkakaiba nila ng pananaw kapag nagpapalit ng point of view.
• Dahil dalawa ang ginamit mong point of view (which is Chazley and Harris) may instance na baka magkapareho sila ng boses. Pero napahanga mo ako, dahil nabigyan mo ng hustisya ang paggamit ng POV nila. Kudos!
• Para sa akin, tama lang ang pacing. Kaya wala kang problema rito.
• Maayos ang transition kaya hindi siya nakakalito basahin. May maayos na pagkasunod-sunod ang bawat eksena.
• Ang mga ganitong uri ng kuwento, patok ngayon lalo na sa mga nagsisimula palang magbasa. Gustong-gusto nila ang ganitong uri ng kuwento siguro dahil iba iyong sakit na ipinararanas sa kanila sa tuwing nai-imagine kung ano iyong paghihirap at sakit na dinanas ng heroine. Karamihan sa wattpaders ngayon ay babae kaya madali silang maka-relate sa ganitong uri ng babasahin.
• The emotions are there. Kudos!
• Smooth ang daloy ng kuwento. Hindi pilit ang mga salitang ginamit kaya hindi siya awkward basahin.
• Nagustuhan ko ang quote na nasa unang parte. I'm hooked.
• Para sa akin, realistic ang kuwento. Iyong may na-rape tapos iyong pagkadigusto ni Harris kay Chazley. Iyong pagiging masama ni Harris. Bet na bet ko. Dalang-dala ako. XD
Negative
• Maraming characters kaya hindi agad sila matatandaan ng readers. Huwag mong iisahang bagsak. One at a time lang.
• Hindi ko nakitaan ng pagmamahal si Chazley sa anak niya. Show, don't just tell. Hindi sapat ang sinabing: mahal ko ang anak ko. Bigyan mo ng eksena kung saan naipakita roon kung gaano kamahal ni Chazley ang anak niya at kung gaano ito kahalaga sa kanya.
• Sobrang hindi kapani-paniwala iyong unang pagkikita nila ni Harris. Lalo pa't kilala ni Harris itong si Chaz. It's up to you if you will revise it and make it more believable.
• Sa POV ni Harris, ito iyong eksena kung saan pinakilala ni Wayne si Chazley sa tropa niya, bakit ni-describe niya iyong suot ni Chazley? At alam niya ang mga tawag sa ganoong damit? Hindi kapani-paniwala ito.
• Hindi capitalize ang High Heels, Skirt etc. Napansin ko ito kapag nagde-describe ka ng damit.
• Kung hindi naman kailangan i-describe ang mga suot nila, lalo na ni Chazley, huwag mo nang i-describe unless may kinalaman ito sa plot ng kuwento. Appearances and attitudes are enough.
• Maganda kung masasabi mo sa kuwento kung bakit nagpapakalasing mag-isa si Chaz sa bar. Dahil chapter 12 palang yata ang nababasa ko, hindi ko alam kung may pinasok kang ganitong eksena.
Questions
1. Do I feel the emotion?
Yes.
2. Is my story worth reading?
Yes. :) Keep it up.
Overall Comment
Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng istorya. Medyo napaiyak mo ako. Sobrang heart melting kasi ng kuwento at dinanas ng heroine. Kuhang-kuha mo ako ro'n. Try to make more stories that everyone can relate to. Batid kong mahusay ka rito at maayos mong mailalahad ang istorya na mayroong emosyon. Anyway, good luck dito sa story mo! Kudos!