What if I do?
by VlocksKakaunti pa lang ang chapter sa kuwento kaya wala pa akong gaanong maipupuna rito.
--
Story description*nang maglaho
*mayroonNakuha mo ako sa salitang "napakaperpekto". Namuo sa akin ang curiosity kung bakit nasabi mo iyon.
Iwas lang sana iyong biglang shift ng POV. Ginamit mo kasi ang third person point of view tapos bigla kang nag-first person POV. Isa lang ang gamitin kung maaari.
--
Characters
I love Mays and Kristen. Kahit tatlong part pa lang ang nabasa ko, nagustuhan ko na agad sila. Lalo na iyong batang version nilang dalawa. Ang cute lang. Mga walang muwang sa mundo. Kudos!
Hindi ko masyadong feel iyong kaibigan ng heroine. Pero tatlong parts palang naman, kayang-kaya pang trabahuhin.
--
Setting
Job well done din sa setting. Iyong mismong classroom, nai-imagine ko talaga. Pati iyong nangyari sa hallway nang magkita sina Maze at Kristen at iyong biglang pagsulpot ng dalawang ano (huwag nang sabihin para iwas spoil). Keep it up.
--
Plot
Una ko nang sasabihin ang salitang clichè. Parang predictable iyong mangyayari. Tapos iyong ibang eksena, iyong sa lapis, may mga nabasa na rin akong ganiyan. Hmm. Ito talaga ang mahirap isulat dahil kapag clichè ang story, dadaanin mo talaga sa characters at plot twists para patuloy pa ring babasahin ng iba ang story mo. Kaya nga dahil ang cute ni Maze at Kristen, isu-support ko ang story mo. Sana lang, along the way, hindi maging clichè ang flow. Bawiin mo sa characters.
--
Narration
Na-appreciate ko ang description sa mga mukha nila sa paraan nila nang pananamit. Job well done! Pero masyado akong nakulangan sa emosyon doon sa scene sa hallway. Iyong nagkatinginan sila. Ipadama mo sa amin iyong nararamdaman ng heroine noong tumingin sa kanya iyong binata.
• Katulad ng iba, action and dialogue tags ang problema sa story mo.
• Iwas din tayo sa pagsasama ng dalawang lengguwahe sa iisang pangungusap maliban na lang kung iilan lang ang salita at walang gano'n sa Filipino. Para hindi maging tunog conyo ang bida.
*..." sabi niya still looking like I am amusing, hell! [ Ang conyo ng dating 'di ba? Marami akong nakitang ganiyan sa story mo.]• Gamitin din nang tama ang NANG at NG. RIN AT DIN. Nasa writing tip #1 iyan.
*lumapit NANG dahan-dahan.
*nitong bakanteng upuan
*nang makitang tumulo ang luhaHalimbawa lang iyan.
• Iyong biglang pagsingit ng flashback, ayos naman sa akin kung hindi siya naka-italic kasi third person naman ang ginamit mo sa flashback. Malalaman agad iyon ng readers pero para mas maging pormal, maganda kung naka-itallic. Pero na sa iyo pa rin iyan. You're the writer.
*Kulang sa emosyon ang ibang eksena. Kung masaya siyang makita uli iyong taong matagal niya nang hindi nakita, ano ba dapat ang mararamdaman niya? Paano mo ide-describe na masaya siya?
Kulang ka sa description tungkol sa mga nararamdaman niya. Tutal gamit mo ay first person point of view. Dapat damang-dama ng readers mo ang kuwento. Dahil mismong bida ang naglalahad ng story niya.
*tiningnan
OVERALL COMMENT
Gusto ko ang narration ng kuwento at ang dalawang bida (lalo na iyong batang version nila) kaya magpapatuloy ako sa pagbabasa nito. Kudos! Sulat lang nang sulat!
--All of these are just my judgments.