These are only my opinions and judgments.
The Snowball Effect
by RRR_18
Chapter 1 - 8Alam kong excited ka rito. Haha.
Why? Bakit hindi tapos? Nabitin ako! Iyan iyong reaksyon ko sa parte na magkikita na sila pero biglang wala nang kasunod.
Iyong tipong pinakilala mo iyong dalawang character sa akin, iyong pinagdadaanan nila sa buhay, iyong mga pangarap na gusto nilang abutin, iyong love interest nila, tapos iyong time na magkikita na sila-biglang cut!
Para mo akong hinainan ng kanin na hilaw pa.
Alam kong maganda ang mga konsepto at ideas mo. Nag-enjoy ko noon ang pagbabasa ng Connecting Lines, pero mas lalo akong nag-enjoy sa pagbabasa ng kuwentong ito. Short but satisfying.
Ito iyong mga kuwentong straight to the point at wala nang paligoy-ligoy pa. Hindi na kailangan ng fillers (unimportant scenes and dialogues) at sobra-sobrang pagpapakilala sa ibang characters para matandaan sila. May aral ding mapupulot, na mas lalong ikinaganda ng kuwento. Kudos!
Characterization
Sa kuwento mo, hindi kailangan ng maraming salita para maipakilala ang mga characters. At hinahangaan kita dahil doon. Lahat ng salita, gamit na gamit at swak lang para sa description nila.
Kahit kakasimula ko palang, masasabi kong maganda ang pagkaka-build up mo sa characters sa kuwentong ito. Pinakilala mo muna sila sa amin, iyong buhay nila, dreams, love interest, bago iyong encounter nilang dalawa.
Hindi mo na kailangan ng exciting scene para ma-hook ang mambabasa sa first chapters ng kuwento mo.
Plot
Bawat kabanata ay maiksi at hanggang chapter 8 palang ang kuwento kaya wala pa akong masabi sa plot. Pero ang masasabi ko lang dito ay may sarili kang paraan para maging unique ang kuwento. Dinaan mo iyon sa mahusay na narration at characterization. Kudos!
Ang napansin ko lang, hindi naging malinaw ang timeline ng kuwento. Huwag mong kalilimutan i-describe ang panahon, weather para mas gumaganda pa ang takbo ng kuwento.
Narration
Isa sa naitanong mo sa akin noon kung may sarili kang writing voice, at mukhang alam mo na naman ang sarili mong boses bilang manunulat.
Ang hindi ko lang nagustuhan sa narration, iyong tipong smooth iyong dating ng Filish sa isang paragraph, then sa another paragraph, bilang full english.
Nag-iiba kasi ang boses natin kada nagpapalit tayo ng medium na gagamitin. Mas maganda kung gagamit ka ng English, huwag mong sobrahan. Kasi nag-iiba ang boses. Imbes na mapaganda ang kuwento dahil maganda sa pandinig ang English, nawawalan ng consistency ang boses.
Try mong basahin nang malakas. At tingnan mo kung maganda ba siya pakinggan.
Tanong
1. Effective ba ang paggamit ko sa third person point of view?
Hindi gaano, kasi nawawala iyong consistency ng boses kapag nagfu-full english ka na.
2. Anong nagustuhan mo sa story?
Iyong may dreams na gustong tahakin iyong mga characters. Naaalala ko iyong k-drama na fight for my way sa story na ito. Talagang pinaglalaban nila kung ano ang gusto nila. Iyon ang nagustuhan ko sa story.
Overall Comment
Kung mapapansin mo, maikli lang ito. Wala naman kasi akong gaanong maipupuna sa kuwentong mo. Ayos siya para sa akin. Nakakaaliw ang narration at hindi nakakabagot basahin. Magaling ang ginawa mo lalo na sa parte na unti-unti mong pinapakilala ang dalawang protagonist. Madalas kasi kapag mga intro, nakaka-boring pero hindi ko iyon naramdaman habang binabasa ang kuwento mo. Kudos!
Sana tapusin mo na ito. Sobrang nabitin kasi talaga ako. Hahaha. Iyon lang. Good luck to your story! Keep on writing!