Taxi

18.4K 182 19
                                    

Shae POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko naka higa parin at pikit parin ang mga mata. Yeah Gising na ako pero ayaw ko paring Bumangon. Huhu

AYOKO PANG PUMASOK.  Inaantok pa ako.

Nga pala nandito ngayon si mommy sa kwarto ko. Bakit?

"Ano ba naman yan erine.! Bumangon kana diyan, sinabe kona kasi sayong huwag kanang mag pupuyat.!!" Ewan ko sakanya.

Huhu kainis kasi, pano ba naman last year kona sana sa Pinapasukan kong school pero Inilipat ako ni mommy. Kainis, huhu wala nakong friends 

"Ano ba Erine.!!" Tsk I have no choice kung hindi ang bumangon nalang. Eh mukhang Tinataasan na ng BP si Mommy ehh.

"okay mom, okay. Ang aga aga sermon ang almusal." Naka busangot na sabi ko.

"Abat.!!" Hahampasin na sana ako ng unan ni mommy ng tumayo na ako at agad na Pumasok sa bath room. Hahaha "Bilisan mo d'yan at pag katapos bumaba kana." Then I heard footsteps. Sign na Lumabas na si mommy sa Kwarto ko.

Ako naman ay agad ng naligo at nag ayos. After I finish my daily makeup routine ay bumaba na agad ako sa Dining area para kumain.

"Good morning Dad." Tapos ay Bumeso ako kay Daddy "Good morning mommy." Then I also kissed mom on her cheeks.

"GOOD MORNING." sabay na sabi naman nina mom at dad habang naka ngiti.

"Bakit parang ang saya natin ahh?" Naka ngiting tanong ko kina dad.

"Bawal na ba anak?" Tanong ni daddy. Mabilis naman akong umiling bilang sagot.

"Nga pala, bilisan mo nang kumain Baka ma late ka sa 1st Class mo." Sabi ni mommy. "BTW Hon may pupuntahan tayong meeting mamaya." Baling ni mommy kay daddy.

Hindi ko nalang pinansin ang usapan nilang dalawa dahil wala akong interes pag dating Sa Business na yan. Nag simula na lang akong kumain at ng matapos ay inayos ko lang ang sarili ko at tumayo na.

"Dad papasok na po ako." Paalam ko kay daddy. "Mommy alis napo ako" tapos ay humalik ulit ako sa mga pisngi nila.

Nga pala may sasakyan na ako pero wala pa akong lisensya so tiis-tiis muna.

"Daddy, asan si mang ernan?" tukoy ko sa Driver namin.

"Wala siya ngayon. Siguro mag taxi kana lang muna anak." Whaaattt t-taxi.?

"Pero Dad, Hindi po ako sanay mag commute." Naka ngusong sagot ko. Huhu paano kasi Mabilis akong mahilo. Sigurado.! Pag nahilo ako matutulog lang ako sa byahe. Nooooo!!

"Aww ang baby namin haha." Tapos ay Ginulo niya ang Buhok ko.

"Daddy huwag yung Buhok ko magugulo." Parang batang ungot ko. Nakita ko naman na parang biglang lumungkot ang mukha ni Daddy. "Bakit po.?" Nag tatakang tanong ko.

"Haha wala anak." Tapos ay humarap siya kay mommy "Dapat masanay kana, Pano pag nag ka asawa kana. Hindi naman lagi laging Nasa Tabi mo kami ng mommy mo." Tapos ay hinaplos niya ang Buhok ko.

My Fiancé is a ManiacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon