Third person POV
Critical ang lagay ni danica ng makarating siya sa hospital, Halos nag aagaw buhay, walang malay at halos duguan ito.
Walang nakaka alam kung ano ba ang nangyari, walang bakas na may nangyaring aksidente sa lugar.
Sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay madalang lang kung may dumaan na sasakyan. Ma swerte siya dahil may isang taong naka kita sakanya at agad na humingi ng tulong at tumawag ng ambulansya.
"Where's my daughter?" Biglang may dumating na isang lalake, hindi pa yon ganoon katanda at may ka gwapuhan rin ang mukha kahit na medyo may edad na ito. Lumapit ito sa front desk ng hospital "Danica evangelista. I'm her father." Nanginginig ang boses nito.
"Sir, kasalukuyang nasa operating room po ito. Hintayin nalang po natin ang Doctor."
Agad namang may lumapit na nurse sakanya para alalayan ito.
Ilang oras lang ay muling may dumating na mag asawa, Siguro ay kasing edad lang ng ama ni danica.
Umiiyak ang babae habang ang lalaki naman ay tinatatagan ang loob.
"Hon, please calm down. I know she's safe. Please."
"Tell me, where's my daughter. Shania erine, she's with danica evangelista miss. Paki tignan naman please." Nag mama kaawang paki usap nito sa nurse.
"Mam, I'm sorry pero wala pong ganong pangalan ang nandito. Si danica evangelista lang po ang nandito. "
"Please, Can you double check miss." Ang lalaki na ang nakiusap.
Hindi na niya makalma ang asawa dahil sa pag iyak nito.
"Sorry sir, wala po talaga."
Matapos non ay nanghina na ng tuluyan ang ina nito. "Honey" nag aalala ang asawa nito.
"Francis I can't, hindi kona kakayanin pag nawala pa ang isang anak natin. Hindi na, anong klasing ina ako. Napa bayaan ko ang mga anak natin. Wala akong kwentang ina." Humagulgol ito sa pag iyak habang naka alalay ang asawa nito sakanya. "It's all my fault, nasaktan ko siya. Kasalanan ko kung bakit nangyari to. Francis, please hanapin mo ang anak natin."
Halos nandon na ang lahat, maging sina david at ang magulang nito. Ganon na rin ang kapatid ni danica na si troy.
Halos mag hahating gabi na. Ang kaninang malakas na ulan ay tumila na, ganon din ang pag ihip ng hangin.
"Tito" lapit ni david sa ama ni shae. Kitang kita ang pag aalala sa mga mata nito, maging ang pangingilid ng luha niya ay kitang kita. "She's fine right? Ligtas siya tell me tito anong sabi ng Doctor.?" Tuluyan ng pumatak ang luha nito.
Umiling lang ang ama "She's not here david. Hindi ko alam kung nasa'n ang anak ko." Kitang kita rin ang pag landas ng luha sa mga mata nito. "I don't know." Umiyak na'to ng tuluyan.
Nang may dumating na pulis ay agad na lumapit don ang ina. "M-may balita na ba sa anak ko?" Lumuluha paring pakiusap nya sa mga pulis. "Tell me, nasa'n sya maayos ba ang lagay niya."
"Ma'am na tagpuan napo ang sasakyan na gamit ng anak niyo. Pwede niyo pobang kumpirmahin kung pag mamayari niya ang mga ito. " Tapos ay may inabot ang pulis na gamit, naka lagay yon sa isang clear plastic. Nandoon ang isang cellphone at isang pares ng sandals na suot ni shae bago mangyare ang aksidente.
"Yes." Umiiyak paring sagot niya.
"Sa ngayon po ay hindi papo namin nakikita ang anak niyo, pero wag po kayong mag alala, gagawin po namin ang lahat para mahanap ang anak niyo. Babalitaan namin kayo agad pag nahanap na namin siya sa ngayon po, medyo malakas ang alon at madilim ang dagat kaya nahihirapan po sa pag hahanap."
BINABASA MO ANG
My Fiancé is a Maniac
Ficção AdolescenteWill I be annoyed with myself, because I still love him even though I knew that he was a maniac. Or I will be thankful because if my fiancé hadn't been a maniac I wouldn't be happy, I wouldn't be able to feel what true love is. Maybe that's really t...