DAVID POV
Limang taon na ang lumipas mag mula ng nawala sa buhay ko si shae. Ang tanging babae na minahal ko ng sobra sobra. Pero kahit limang taon na ang nag daan ay hindi ko parin matanggap.
Umaasa parin ako na buhay siya, na kahit wala na siya sa tabi ko basta ba'y ok lang siya.
Yun lang ang gusto ko.
Sobrang sakit, noong mga oras na nangyare ang lahat ng yon hindi ko magawang matanggap.
Gabi gabi akong nag hihintay sa pag balik niya. Araw araw akong nag hihintay sa sasabihin nila na nakita na siya.
Pero hindi ko alam kung matatanggap koba, pag sinabi na natagpuan na siya. Parang hindi ko kaya.
Alam ko na kasalana ko, marami akong kasalanan sakanya. kung sana pala ay hindi ako nag lihim sakanya, sigurado hanggang ngayon ay masaya parin kaming mag kasama. Masaya kasama ang magiging anak naming dalawa.
Sobrang nag sisisi ako na nagawa ko siyang masaktan. Totoo na gusto ko siyang ingatan pero maling paraan ang nagawa ko. Iniwan ko siyang mag isa, wala akong sinabing kahit na anong explanasyon. Don palang sobrang napaka gago ko na.
"Daddy" tawag ng anak ko habang tuma takbong papalapit sa'kin
"Son" dali dali ko itong binuhat at agad na pinang gigilan. "Sinong kasama ng anak ko?" Naka ngiting tanong ko.
"I'm with mom, dad." Matapos ng narinig ko ay agad akong bumuntong hininga.
"Hi, david." Lapit ni akira sa'kin at agad na humalik sa pisngi ko.
Hanggang ngayon ay galit ako, galit ako sakanya dahil nangyare ang lahat ng to ng dahil sa kabaliwan niya.
Flash back
Unang pag kikita
Halos mag iisang buwan palang ng ma engage kaming dalawa ni shae.
Matapos non ay ilang araw lang ng mag paramdam muli si akira.
Nang nag kayayaan kaming dalawang uminom ni aaron ay do'n kami muling nag kita.
Pero kahit na ganon, umiwas ako. Lumayo ako sakanya dahil nga sa mahal na mahal ko si shae. Hindi kona kayang ulitin pa ang pag kakamaling minsan konang nagawa.
"David, bakit kaba umiiwas sa'kin ahh? Hindi mona ba ako mahal?" Tss anong pinag sasabi ng babaeng to.
Matagal na kaming tapos, si shae nalang ang babaeng minamahal ko.
"Akira, umuwi kana. Lasing kana" tapos ay muli ko siyang tinalikuran.
Linapitan kona si aaron na medyo lasing narin. "Pare, hindi kapa ba uuwi?" Tanong ko dito
"Mauna kana pare. Maya maya na'ko. Salamat." Matapos non ay tinapik niya lang ako.
Ako naman ay tumuloy na sa bahay.
____________________________________
Pangalawang pag kikita
Nag lalakad ako papuntang parking lot ng makita ko si akira na nakasandal sa pintuan ng kotse ko.
Agad akong huminto
"Ohh david, your here na." Tapos ay lumayo ito ng konte sa sasakyan ko at agad na lumapit sa'kin.
"What do you want akira? Nag mamadali ako."
Halos malapit narin mag gabi kaya na aalala ko si shae. Alam ko na hindi siya marunong pag dating sa gawaing bahay. Kaya ayoko na ginagabi ako ng uwi dahil ayokong nalilipasan siya ng gutom.
![](https://img.wattpad.com/cover/151148668-288-k281347.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fiancé is a Maniac
Teen FictionWill I be annoyed with myself, because I still love him even though I knew that he was a maniac. Or I will be thankful because if my fiancé hadn't been a maniac I wouldn't be happy, I wouldn't be able to feel what true love is. Maybe that's really t...