Dahil nga sa pag tataka ay tumayo ako. Bago lumabas ay kinuha ko muna ang phone ko at tinignan ang oras.
12:35 am
Disoras na pala ng gabi, tss at ngayon lang siya umuwi.
Dahil nga sa inis ko ay lumabas ako ng kwarto, bubuksan kona sana ang pintuan ng kwarto ni david ng may maramdaman ako sa baba.
Dahan dahan akong nag lakad palapit sa hagdan pero lalong nangunot ang noo ko.
Habang nag lalakad pababa ay hindi ko inalis ang tingin ko kay david na sinasarado ang pinto. Nang masigurong naka lock na iyon ay marahan itong pumihit sa gawi ko.
"Oww shit." Gulat na usal nito "Babe, bat gising kapa?" Nag tatakang tanong nito.
Pero imbis na sumagot ay lalo akong nag taka.
Ganon siya kabilis nakababa?
Gulat na gulat bakit gising pa ako?"Seriously david?" Takang tanong ko.
"Sorry kung pinag hintay kita." Tapos ay lumapit ito sa'kin.
Pag yakap palang niya ay naamoy kona ang alak. Naramdaman korin na medyo basa ito.
Arghh masisiraan talaga ako, hindi lang yon panaginip. Gising na gising ako, bawat hininga na lumabas sa bibig nito ay naramdaman ko. Bawat pag dampi ng labi nito sa balat ko ramdam ko. Imposibleng panaginip lang yon. Imposible dahil nang halikan niya ako ay humalik ako pabalik.
Gulong gulo ako, agad na nangilid ang mga luha sa mata ko. What the fuck did i do. Bago pa pumatak ang mga luha ko ay agad kona iyong pinalis.
Kahit na takang taka, gulong gulo man ay hindi ko parin pinahalata sakanya, agad kong pinalis ang mga nasa isip ko. Imposible
"Are you drunk?" Tapos ay inalalayan kona ito.
Bago umakyat ay pinatay ko muna ang mga ilaw at hinayaan ang isang lampshade na naka sindi.
"Bat ngayon kalang?" Naka ngusong tanong ko.
"Im sorry babe, si aaron kasi nag ayang uminom." Sagot nito habang papasok kami sa kwarto niya.
Nang maka higa ito sa kama ay agad nitong hinila ang kamay ko, dahilan kung bakit napa higa ako sa dibdib nito.
Napa lunok ng maramdaman ang mabilis na tibok ng puso nito. "Im sorry babe." Marahang sabi nito.
Dahil nga sa naguguluhan ako sa nangyayare ay hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko rito.
Marahan akong umupo sa gilid ng kama niya at agad na binuksan ang lampshade na nasa side .
"Kanina kapa ba?" Muling tanong ko.
Nag hahanap ng sagot, gusto kong marinig na kanina pa siya. Gustong kong masiguro na siya talaga yon, at wala ng iba. Fuck gusto kong sabihin niya na siya yon.
"Yeah babe, i forgot my phone sa car kaya bumaba ulit ako para kuhanin yon."
Nang maramdaman ko ang sagot ni david ay agad akong napa baling sakanya, doon lang ako naka hinga ng maluwag.
"Mag palit kana ng damit, tss nagpa basa kapa sa ulan" naka nguso ng sabi ko.
Marahan kong pinag aralan ang mukha nito.
Napapatitig sa maamo nitong mukha, ang kanyang mga kilay na makakapal ay talagang bumabagay sakanya, ang mga pilik mata nitong mahaba ay talagang nag papaganda sa kanyang mga mata. Ang ilong niyang sobrang tangos, ang labi niyang sobrang pula.
Habang naka titig ako sa labi niya ay napalunok ako ng mag kakasunod.
Sobrang perpekto ng pagkaka gawa sakanya grabe.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is a Maniac
Teen FictionWill I be annoyed with myself, because I still love him even though I knew that he was a maniac. Or I will be thankful because if my fiancé hadn't been a maniac I wouldn't be happy, I wouldn't be able to feel what true love is. Maybe that's really t...