Naka hinga lang ako ng maluwag ng saktong dumating ang lecturer namin ni sha
"Psh hindi pa tayo tapos" naka ngusong sabi nito.
Imbis na sumagot ay nakinig nalang ako sa mga sinasabi ng lecturer namin. Ito namang si sha ay tamang kalikot lang sa CP nito.
"Tsk sha pwede makinig ka" pag kuha ko sa atensyon nito.
"Ays boring ng tinuturo niya" kitang kita naman ang irita sa mukha nito. Imbis na pansinin ay nakinig nalang ulit ako .
Habang nag sasalita ang lecturer ay sinasabayan din naman ito ni sha kaya hindi rin ako masyadong makapag focus.
"Pagkatapos ng klasi punta tayong mall ahh"
"Sige, pero mag pa paalam muna ako kay david" tapos ay humarap na ako sakanya "Baka kasi hindi ako payagan"
"Psh wag na, akong bahala kay kuya. Mag sho shopping lang naman tayo. Nakaka inip kaya sa bahay, si mommy't daddy laging wala." Tapos ay huminga ito ng malalim.
"Oo na, wag kanang malungkot dyan" tapos ay tinapik ko ang balikat nito.
"Namimiss konarin si kuya, tss sabi niya nung nagka usap kami minsan dadalawin niyako sa bahay hindi naman pala. Tsk may pa baby baby pa." Iritang sabi nito.
So siya pala yung kausap ni david, the heck kala ko Girlfriend niya yon.
Hay naku shae, minsan kasi wag masyado atat ahh. Mali mali naman hinala mo.
Gaya nga ng napag usapan namin ni sha after class ay pupunta kami ng mall para mag shopping.
"Anong sasakyan natin?" Tanong ko dito habang nag lalakad palabas ng campus.
"Si mang ernan andyan na sa parking nag hihintay" tumango tango nalang ako bilang sagot. "Ohh si damon" turo naman bigla ni sha
"Hey damon" tawag ko dito.
Kita ko naman na huminto ito at lumingon sa'min, tapos ay tinanguan lang ako.
"pauwi kana?" Naka ngiting tanong naman ni sha.
Hmm nakakapag taka lang, ganon kabilis? Close na agad sila.
"Oo, kayo ba kei?" Tanong nito pabalik.
Kei? Seriously. Kahit takang taka na ako ay hindi nalang ako kumibo at nakinig nalang sakanilang dalawa.
Tss hindi naman sa nag tatampo ako pero parang ganon na nga. Tinanguan lang ba naman ako. Kairita
"Pupunta kaming mall sama ka." Naka ngiting aya ni sha
"Ahh may gagawin pa ako ehh."
Kahit hindi ako naka tingin ay ramdam ko na nasa akin ang paningin ni damon. Para bang ako ang hinihintay nyang mag salita.
Imbis na sakanya ko ibaling ang paningin ay sinulyapan ko nalang si sha. Naka simangot, kitang kita ang kunot niyang noo.
Hay naku parang bata talaga pag di nakukuha ang gusto niya.
"Sama kana, ngayon lang naman." Pag pilit ko dito, nakita ko naman na ngumiti si sha.
"Oo, nga pls" parang batang dagdag ni sha, tapos ay pinag kiskis ang mga palad nito na para talagang nag ma makaawa.
"Okay, okay." Nangingiti habang umiiling "so mag kikita nalang ba tayo don?"
Tanong muli nito habang nag lalakad papalapit sa pintuan ng kotse nito.
"Psh sasabay kami sayo, baka takasan mopa kami ehh."
Kumunot naman ang noo ko, patay ako pag nalaman to ni david.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is a Maniac
Teen FictionWill I be annoyed with myself, because I still love him even though I knew that he was a maniac. Or I will be thankful because if my fiancé hadn't been a maniac I wouldn't be happy, I wouldn't be able to feel what true love is. Maybe that's really t...