Matapos kong mag ayos ay mabilis rin akong bumaba kasama ang aso na regalo sakin ni david na si sassy.
Buhat buhat ko siya pababa ng hagdan, natutuwa ako dahil talaga namang napaka lambing niya sa'kin.
Ngayong araw ay talagang napaka saya ko.
Akala ko ay magiging normal lang na araw ito, gaya ng mga nag daang araw.
Pero dahil nga sa pamilya ko ay naging espesyal ito.
Pagka pasok palang namin ni sassy sa dining area ay lalong lumapad ang ngiti ko.
Dad is here
"Daddy" patakbo akong lumapit sakanya at mahigpit na yumakap.
Sobrang na miss ko talaga siya. Sa tuwing bibisita kasi ako sa bahay ay madalas si mommy lang ang naaabutan ko.
Halos busy daw si dad sa kumpanya, dahil nga sa muntikan ng bumagsak ay nag sisipag talaga si dad para umangat muli ang aming kumpanya.
"Happy birthday to my uniqa hija" then he kissed me in my forehead "I have a surprise for you"
"Really dad" masaya talagang tanong ko, parang bata na na eexcite. "Where is it?" Napapa talon habang tumitingin sa likod nito na parang doon ba tinatago ang surpresang sinasabi nito.
"Here baby" abot niya sa'kin sa isang itim na box na may maroon na ribbon.
Hindi yon maliit at hindi rin malaki. Parang lalagyan yon ng isang kwintas. Hindi ako sigurado.
Akmang bubuksan kona sana yon ng pigilan ako ni dad. "Open that later anak."
Dahil yun ang gusto ni dad ay itinago kona muna yon. .
Mabilis rin akong lumapit sa parents ni david para bumeso at kumustahin sila. Medyo matagal narin ng huli ko silang nakita.
Ewan ko lang kay david kung ganon din ba siya. Siguro hindi, sa'kin nga wala siyang time sa parents nyapa kaya.
Dahil sa naisip ko ay biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nang tignan ko si david ay naabutan korin siyang naka tingin sa'kin.
Mabilis akong umiwas dahil nga sa ayaw kong mapansin nya 'yon. Sakto naman na lumapit sakin si sissy at yumakap ng mahigpit
"Happy Birthday sa pinaka maganda kong best friend"
sa sobrang lakas ng bunganga nitong kaibigan ko tiyak na rinig lahat yon ng taong nandirito
"Naka lunok ka ng mega phone sis?" Natatawang pang iinis ko.
"Kung oo, ano naman?" Pag tataray nito, bilis talagang mapikon
"Where's my gift?" Magka krus ang kamay na tanong ko.
Alam ko naman na meron, sa dami ba naman ng pera nito mawawalan siya ng regalo.
"Wala na ehh, advance ko naibigay yung gift mo" ano? Ehh wala naman siyang binigay.
Kunot noo akong tumingin sakanya "excuse me sissy, sa pagkaka tanda ko wala kang binigay sa'kin" totoong napa isip ako kung meron ba talaga, pero sa pagkaka alam ko ay wala talaga.
"Si kuya, hihi" lalong nangunot ang noo ko, seryoso ba talaga siya don. "Kung hindi dahil sa'kin hindi kayo mag kaka kilala. Psh kaya niyo nakuha ang number ng isat isa dahil din sa'kin. Remember nung nakatulog ako, you left a sticky note for me. Pero si kuya ang nakakita non kaya boom" napa kurap kurap ako sa sobrang dami ng sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Fiancé is a Maniac
Teen FictionWill I be annoyed with myself, because I still love him even though I knew that he was a maniac. Or I will be thankful because if my fiancé hadn't been a maniac I wouldn't be happy, I wouldn't be able to feel what true love is. Maybe that's really t...