f i f t e e n

30 7 1
                                    

Chapter 15










"Your remaining 15 minutes will be your preparation for tomorrow's Summative Assessment." Prenteng naupo si Prof sa harap. Katatapos niya lang namang idiscuss lahat para bukas. Lahat ng mga kaklase ko ay nagsibuklat ng libro for them to review. Ganun din ang ginawa ni Nats na nasa tabi ko. Samantalang yung limang magpipinsan naman ay nagsitulog. Ang tatalino talaga.










While me? Itinuon ko nalang ang aking attention sa labas. This subject is easy for me, and yeah I got my vibe back with General Math. Nagulat si Prof kinabukasan nang pagalitan niya ako, ako lang naman ang nakaperfect score among the class. Hindi ko naman pinagyabang sa mga haliparot na nagsitawa pero kahit na ano talagang gawin ko hindi na mawawala ang sama ng tingin nila. But hey, half of the class tried to be nice to me. Sana lang hindi dahil sa image ko but sana dahil sincere sila saakin.











Its a first na manahimik ang buong klase nang biglang may pumasok. "Yes you may seat." halata sa prof ang pagpapakalma sa sarili nang sabihin niya ito. Malamang, bukod sa papasok na nga lang siya ay 15 minuted before time ay sino ba namang hindi mabibwisit na sa loob ng dalawang buwan ay ngayon lang siya nagpakita.









Hindi gaya ng dati ay hinahanap hanap ko siya, na kung makita ko siya ay bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. For some reason, my tear fell. Not with Joy but Pain. Sariwa pa ang sugat ng puso ko sa pagbebreak niya saakin kanina.









I fucking hate myself, kasi alam ko sa sarili kong hindi ko kayang magalit sa kanya. Hindi ko kayang mabitter, dahil sino ba namang tanga ang makakapag move on ng ganong kabilis. Yes. I still love him so much.









Ipinagtataka ko lang ay bakit ngayon lang siya nagpakita kung kelan niya ako binreak. I don't fucking get it, bakit pinatagal niya pa hanggang ngayon? Na bakit bigla nalang siyang mawawala at magpapakita para lang makipagbreak saakin? Dahil lang sa pagpunta ko sa bar? Like bakit ang laki ng galit niya sa pag inom ko? I was fucking left confused. Iniwan niya ako ng napakaraming tanong.









At hindi ako natatakot na itanong ito sa kanya. I have the courage, the confidence...ang ikinatatakot ko lang ang mga sagot na maririnig ko. But anong aasahan ko? Its my right to know the truth kahit na masaktan ako. Hindi lang pwedeng idaan sa madalian. I need to talk to him. I need answers.









"Hala bakit ka umiiyak?" bulong saakin ni Nats. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko kaya nagiwas ako ng tingin. I have no idea na sobra na pala ang iyak ko na pati ang limang magpipinsan ay nakatitig na saakin.










Sa takot na makita ni Crane ang itsura ko ay iniyuko ko nalang ang ulo ko, just to look like sleeping. Hindi ko siya pwedeng harapin na umiiyak. Maybe he's just testing me? Or pulling a prank? Baka mamaya tawanan niya pa ako at asarin sa itsurahin kong ito. Bullshit, kung ano ano nang pumapasok sa utak ko. Umaasa na sana nagbibiro lang siya, na babawiin niya rin lang ang tinext niya saakin tapos yayakapin ako ng mahigpit saying he loves me so much.









Nanigas ako nang maramdamang may kumaluskos sa likuran ko. Fuck Crane is behind me. Ilang demonyo na ba ang minura ko? Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, and with my stupid idea pinroblema ko pa kung maririnig niya kaya ito sa sobrang lakas? Shit.










"Hey...the prof wanted you there. Kakausapin ka daw." kahit na nakayuko ako sa desk ko at hindi ko nakikita ang muka niya, nakikilala ko kung kanino ang boses na yon. Its the psycho. Nalilito ako kung magpapasalamat ba ako sa kanya o maiinis. Well, I wanted to talk to Crane pero hindi sa ganitong kondisyon. Yeah, I'll thank him later. Nainis lang ako kasi si Nihahabol na ang naupo sa likod. What's worst it that ang lakas pa ng loob niyang paglaruan ang dulo ng buhok ko.









Back To Square OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon